3 BI EMPLOYEES, BIGTIME FIXERS?

PAPURI at pagkadismaya, ito ang naging reaksyon ng ilang kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa mga nagawa ni Commissioner Norman Tansingco, matapos ang higit isang buwan na panunungkulan nito sa ahensya.

Sa kabila ng ginagawang pagbalasa sa BI ay tila pinipili lamang umano rito ang ilang kawani na mahina ang backer at nananatili pa rin ang mga opisyales na overstaying na sa pwesto.
Ngunit matapos ang limang araw na magulong desisyon ni Tansingco kung sino talaga ang hepe ng TCEU, ay marami ang nawindang muli nang ibinalik sa posisyon ang nauna nitong sinibak na si Timmy Barizo na ayon sa usap-usapan ay humingi ng saklolo sa isang senadora upang mapanatili ito sa airport.

Hindi man direktamenteng tinukoy ng mga tauhan ng ahensya ang kawalang kamandag ni Tansingco na may matagal nang karanasan sa ahensya bilang chief of staff noon ni Marcelino Libanan, at naging hearing officer sa Board of Special Inquiry, ay tila hindi pa rin nito kabisado ang kanyang ginagawa?

Higit tatlong dekada na akong mamamahayag na nakatalaga sa BI ngunit sa aking pagkakaalam ay ngayon lamang nangyari sa kasaysayan ng ahensya ang tila “Laban o Bawi” sa pagsipa nito sa mga tiwali na animo’y tila ay joke lamang.

Sa bagong pagbalasa ni Tansingco sa punong tanggapan ng BI ay mabuti naman at sinipa nito bilang hepe ng Tourist Visa Section si Raul A. Medina at inilipat sa rati nitong pwesto sa Fugitive Search Unit na mas nababagay sa kanya, upang pakinabangan naman ang laki ng kanyang katawan kahit maliit umano ang kanyang… pasensya; sa pagtugis sa mga dayuhang nagtatago sa batas. Paano kaya kung humingi ng “help” si SirRAULo sa kanyang padrino na si “Atras Abante”, babawiin kaya muli ang kanyang PO?

Samantala, isang kawani umano ng ahensya na si alias “Dunhill” na miyembro ng kilabot na “Samar Group”, ang naglakas-loob na nagtayo ng sariling consultancy agency upang makapag-fixing?
Dapat ding imbestigahan ang lifestyle ng dalawang mag-partner in crime umano na sina alias “Shello” at “Dyalam” na job order employee at naging sidekick ng isang retiradong opisyal na nasangkot sa katiwalian.

Marami naman sa mga tauhan ng BI ang patas at matulungin sa mga aplikante upang mapaganda ang imahe ng ahensya ngunit mayroon ding mga nagpapayaman sa sarili kagaya na lamang ng tatlo na sina alias “Dunhill”, “Dyalam” at “Shello” na dapat ay putulin na ang kanilang ilegal na gawain. ‘Di ba, Mr. Tansingco?

Upang gumanda ang investment climate ng ahensya, Sir, kung iyong ipagpapatuloy ang naging proyekto noon ni Libanan na Visa Issuance Made Simple (VIMS) at para mapabilis ang takbo ng papel, ay bawasan ang requirements dahil kung maraming hinahanap ay dito nagsisimula ang ipitan ng papel at korapsyon.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

313

Related posts

Leave a Comment