BAYARANG TROLLS LABAN SA PAO

EARLY WARNING

‘Di ko maipagkakaila ang aking matinding pagsimpatya sa mga kaawa-awang pamilya ng marami at dumarami pang bata na mga nangamatay makaraang maturukan ng Dengvaxia vaccines ng Department of Health at sa kabila nito nama’y bayarang trolls na walang ginawa kundi sirain ang kredibilidad ng Public Attorney’s Office lalo ang hepe nito na si Persida Rueda-Acosta.

Tama lang na tawanan at ‘di pansinin ni Chief Acosta itong paid trolls kasi batid n’ya kung sino ang gumagastos sa kanila kundi iyong sa halip na aminin ang kamalian, tulungan at damayan ang mga pamilya ay nagbabayad kung sinu-sino na lang para sirain ang PAO. Pero ‘di ito patitinag sa pagsuporta sa mga namatayan.

Mas lalong magiging determinado ang PAO na ipaglaban ang karapatan ng mga pamilya at kahit ano’ng paninira nila, tuluy-tuloy ang laban para sa mga naaaping kababayan, ani Chief Acosta.

Totoo sa kanilang pangako

Umula’t umaraw, tunay na maaasahan itong magkapatid na sina Navotas Mayor Toby Tiangco at Rep. John Rey Tiangco at nararamdaman ‘yan ng taga-lungsod lalo ‘pag may mga aberya tulad ng sunog at kamakailan lang ay kanilang personal na dinamayan ang maraming fire victim families sa Barangay Tangos at binigyan sila ng sapat na pagkain, damit at gamot.

Kanila ring siniguro sa mga awtoridad na nasa maayos na kalagayan ang mga ito sa kanilang pansamantalang tirahan kasabay ng pangakong matulungan sa kanilang iba pang pangangailangan.

PABAHAY PA SA NAVOTEÑOS

May 153 informal settler families na naman ang nagkaroon ng kanilang sariling bahay makaraang pasinayaan mismo ni Mayor Toby ang bagong tatlong gusali at multi-purpose hall sa NavotaAs Homes 2-Tanza sa Barangay Tanza 2.

“As we continue our efforts to provide shelter to Navoteño families, we also ask that you take care of the communities we build,” ani alkalde.

Noong panahon ni Cong. JRT bilang alkalde, libong pamilya rin ang nakinabang sa mass housing at in-city resettlement programs nito lalo yaong mga nakatira sa danger zones.

Siniguro ng Tiangco brothers na magkaroon ng bahay ang mga mahihirap sa lungsod pero may mga alituntunin sa pabahay na dapat sundin tulad ng pagbabawal sa pag-inom ng alak, sugal at ilegal na droga at ang violators ay mawawalan ng karapatan sa programa. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

127

Related posts

Leave a Comment