MAY NAMUMULITIKA SA PAMIMIGAY NG RELIEF GOODS

PUNA

KUMAKALAT ngayon sa social media na isang barangay chairman na ginagamit sa kanyang pamumulitika ang pamamahagi ng relief goods sa evacuation center na  nasa kanyang nasasakupan.

Kailangan pa raw ng pirma ni Kupitan (este Kapitan) bago mabigyan ang kawawang mga bakwit ng relief goods. Anak ka ng ina mo Kups ay Kaps!

Dapat sa’yo ay isumbong kay Interior and Local Goverment Undersecretary Martin Dino nang masabon ka na maikula ka pa!

Bakit kailangan pang kontrolin mo ang relief goods? Galing ba sa bulsa mo ang ipinambili ng mga yan? Dapat makaharap ni Usec. Dino ang kumag na ito!

Mabuti pa itong si Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles na personal namigay ng kanyang tulong sa evacuees sa tatlong evacuation centers sa lugar ni Batangas Rep. Vilma Santos-Recto sa Lipa City, Batangas.

Naispatan ng PUNA itong si Nograles na kasama ang kanyang team mula sa Rodriguez Rizal na binubuo nina Police/Lt. Col. Rexhper Gaoiran at mga tauhan na lulan ng dalawang trucks ng relief goods sa mga nasalanta nang pagputok ng Bulkang Taal.

Sinamahan ni Lipa City Ex-Mayor Menard Sabile si Cong. Nograles sa pamimigay ng relief goods sa mga evacuation center sa Lipa Academy Sports Culture and Arts; Inosloban-Marawoy Integrated National High School at Tambo Elementary School.

Laking tuwa ng mga bakwit dahil nasilayan nila ang mambabatas na bukod sa napakabata ay mukhang artistahin pa.

Dahil sariling pera niya ang ginamit para sa relief goods, sinabi ng batambatang congressman na napakasarap sa pakiramdam na nakatulong ka sa iyong mga kababayang nangangailangan.

Nakakatuwang isipin na walang humpay ang dating ng relief goods sa evacuation centers subalit nakakalungkot isipin na may opisyales ng barangay na namumulitika at palalabasin na may utang na loob sa kanila ang mga bakwit. Pu…sang gala ka Kap. Makonsensiya ka naman.

Sa halip na makatuong, nakakaperwisyo ka. Ang dapat na makuha kaagad na relief goods ng mga bakwit ay parang gusto mo pang dumaan muna sa iyo para may kurakot ka! Bwi……san mo kaya ang mga kinurakot mo!

oOo

Para sa reaksyon at suhestiyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com. (PUNA / JOEL AMONGO)

137

Related posts

Leave a Comment