MAYORYANG MUSLIM

FOR THE FLAG

Nasa dalawang bilyon na ang mga Muslim sa daigdig at 15% hanggang 30% niyan ay mga radikal na Muslim o sa ibang lengguwahe ay mga ekstremista.

Ibig sabihin, nasa doble na ang bilang ng mga mapanganib na Muslim sa buong mundo, mula sa 150 milyon na minimum ay 300 milyon na. At mula 300 milyon na maximum ay nasa 600 milyon na o halos 9% ng kabuuang populasyon ng buong daigdig na pitong bilyong katao.

Ibig sabihin, bawat ekstremistang Muslim ay kinakailangan lamang pumatay ng mga siyam na katao at malilipol na ang lahat ng tao sa buong mundo. Hindi nga ganu’n ang ratio mga kasama, sa Paris halimbawa, 129 katao ang pinatay ng iilang ekstremistang Muslim lamang. Sa New York 9/11 naman ay 3,000 ang pinatay ng wala pang 20 ekstremistang Muslim. Posible pala ang pag-ubos sa lahat ng hindi Muslim at least mathematically kung ang pagbabatayan ay ang ratio ng napapatay sa bilang ng mga pumapatay na ekstremistang Muslim.

Kung aabot ng 600 milyon ang ekstremistang Muslim ay may natitirang 1.4 bilyon na mga mapayapang Muslim. Napapanahon na magsalita ang 1.4 bilyon na ‘yan at mangialam na, magsalita at makipaglaban na rin laban sa mga ekstremistang Muslim, sapagkat kapakanan na rin ng natitirang 1.4 bilyong Muslim at ng kanilang mga susunod na henerasyon ang nakasalalay dito. Kung kinakailangang sila na mismo ang bumitay sa mga ekstremistang Muslim ay dapat na nasisimulan na, tutal legal ‘yan sa kanilang paniniwala.

Ilang libong Muslim ang nagiging refugees araw-araw? Napakarami n’yang mga pamilyang naitataboy ng panganib ng kamatayan sa mga kamay ng mga kapwa nila Muslim na idinideklara silang “apostate,” o mga Muslim na idinedeklara ng mga ekstremista bilang mga salungat sa kanilang tunay na pananampalataya.

Sa Syria at Iraq ay karaniwan na ang pamumugot ng ulo. Ang mga batang lalaking dapat ay nag-aaral sa elementarya ay tinuturuan na ng jihad at itinuturo na ang paggamit ng mga armas.

Paano maaampatan ng international community itong malalang sakit na ito ng daigdig? Dapat magsimula ang gamot mismo sa komunidad ng mga kapatid nating Muslim dahil doon nagmumula ang epidemyang ito na ang inaatake ay utak at kaluluwa. Mas malala pa ang epekto nito sa tao kaysa sa ipinagbabawal na mga droga.

Hindi na sapat ang semantika sa pag-atake sa suliraning ito, hindi na rin sapat ang maiinit na debate. Sa katuruan mismo dapat magsimula. Nandoon ang pag-asa, at ang mga nakakaalam ng mga katuruang iyan ang dapat na nagsisimulang magdikta na kung ano ang nararapat. Ang pananahimik ng mayoryang Muslim ang mas mapanganib kaysa sa ingay ng minoridad na mga ekstremistang Muslim. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

93

Related posts

Leave a Comment