SIM CARD REGISTRATION MULING ISINUSULONG

MAPIPIGILAN ba ng SIM card registration ang perwisyo ng text scam sa mga mobile phone subscriber? Kailangan bang itaya ang ­karapatan ng tao sa privacy at seguridad ng isinusulong na registration.

Inaprubahan ng House Committee on ­Information and Communications Technology ang pinag-isang mga panukalang batas na ­mag-oobliga sa pagpaparehistro ng lahat ng mga postpaid at prepaid mobile phone ­Subscribers Identity Module (SIM) cards.

Maganda ang layunin nito na masugpo ang mga panloloko, panggagantso at iba pang mga kriminal na gawain.

Maganda, ngunit kapag naisabatas ay kailangang masiguro na mapapangalagaan nito ang personal na impormasyon at privacy ng tao.

Dahil obligado, ipagkakatiwala ng mga subscriber ang kanilang personal na pagkakakilanlan, ngunit may pag-aalinlangan na ma­gamit ito sa maling paraan dahil sa mahinang infosecurity at proteksyon ng data.

Sinusulong muli ang SIM card registration dahil dumarami ang nabibiktima ng text scam. Patuloy ring dumarami ang scam messages na naglalaman ng pangalan ng may-ari ng numero.

Abril nang i-veto ni dating Presidente ­Rodrigo Duterte ang SIM Card Registration Bill dahil ­pinasukan ng mga probisyon sa social media ­account registration.

Maulit kaya ang unang sinapit ng SIM card registration?

Lumalala ang text scam kaya kailangang pag-aralang mabuti at bigyan ng malinaw na ­alituntunin ang usaping ito.

Related posts

Leave a Comment