DI KO GETS ni ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)
NAGAGAMPANANG maigi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kanilang mandato.
Nakabibilib ang ginagawa nila sa West Philippine Sea (WPS).
Kaya mahalaga ang paglalaan ng confidential funds dahil makapagpapalakas ito ng ‘monitoring, control, at surveillance efforts’ sa WPS.
Labis naman ang pasasalamat ni BFAR national director Demosthenes Escoto sa mga konsiderasyon ng mga mambabatas na dagdagan ang kanilang pondo.
Kung maaalala kasi, iginiit ng Kamara ang kahalagahan ng re-realignment ng confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President (OVP), Department of Education (DepEd), at iba pang civilian agencies.
Sabi nga ni Escoto: “This initiative would empower our Agency to strengthen and enhance our existing monitoring, control, and surveillance activities in the WPS and other fishing grounds to ensure the sustainable use of our marine resources and safeguard the livelihoods of our fisherfolk.”
Sa ngayon, talagang ginagamit ng BFAR ang kanilang kasalukuyang assets at available resources.
Kasama sa mga nilalabanan nila ay ang ‘illegal, unregulated, at unreported fishing’ na hindi maitatangging patuloy na banta sa Philippine waters. Siyempre, nandiyan din ang iba’t ibang programa at kolaborasyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Malaking bagay ito at nakatutulong sa pagbibigay ng mga pangangailangan tulad ng engine oil, drinking water, at ready-to-eat snacks sa mga mangingisda sa WPS.
Maganda rin ang inilunsad ng BFAR na Livelihood Activities to Enhance Fisheries Yields and Economic Gains from WPS (LAYAG-WPS).
Ang isang livelihood project na ito ay sinasabing nagkakahalaga ng P80 milyon kung saan layon daw nitong mabigyan ang mga mangingisda ng ‘essential tools’ at iba pa para sa isasagawang post-harvest training at para maibsan ang kanilang pagkalugi o post-harvest losses.
Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!
