WALANG KUKURAP SA MAY 9 ELECTIONS

MAKARAANG ibasura ng COMELEC ang pinakahuling nuisance petition laban sa kandidatura ni presidential front-runner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay kwalipikado ito na maglingkod sakaling mahalal bilang susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Wala nang makapipigil pa sa sambayanan na ­muling ibalik sa Malacañang si BBM kahit kaliwa’t kanan ang pani­nira, pagpapabagsak at hinahamak ang kanyang pamilya sa maraming taon, kailanman ay hindi natin ­naringgan at nakitang gumanti ang mga ito. Nanawagan si BBM na sa araw ng halalan ay ating bantayan ang ating boto sa posibleng pandaraya ng kabilang kampo upang maagaw muli ang ating kinabukasan.

Matapos ang ilang dekada mula nang mangyari ang isang malaking pagkakamali sa ating kasaysayan mula nang mapatalsik ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. at maagaw ni Cory ang pamahalaan, ay malaki ang pinagkaiba ng pamumuno ni Marcos sa ilang presidente na sumunod dito, na hindi man lang makahigit sa angking talino at pagmamahal sa bansa ng dating Pangulong Marcos.

Nilinlang ang sambayan­an mula noong Aquino administration, ng mga propaganda upang tumatak sa isipan ng mga kabataan na naging masama ang pamamahala ni Marcos Sr. sa panahon ng martial law. ­Kasabwat dito ang mga oligarch upang kanilang makontrol ang ekonomiya ng bansa.

Ang totoong kalupitan ay hindi nangyari sa panahon ni Marcos kundi sa administrasyon ni Cory at ito ay itinago sa ating kasaysayan. Kung hindi nakipagsabwatan noon ang Aquino administration at hindi pinakawalan sa kulungan ang lider ng komunista na si Joma Sison noong March 5, 1986; isang buwan pa lamang noon si Cory sa kapangyarihan, sana’y pilay pa rin ang organisasyon ng rebeldeng grupo, makaraang ito’y ipaaresto ni Marcos dahil sa rebellion at sedition. ­Maging ang mga magsasaka na walang awang minasaker sa Mendiola noong January 22, 1987 kung saan ay 13 sa kanila ang walang awang pinatay ng security forces ni Cory, na nagprotesta lamang upang ipanawagan ang kawalang aksyon ng pamahalaan sa land reform.

Bago pa man pumanaw ang dating Pangulong Marcos habang ito’y nasa Hawaii ay nakiusap itong payagan silang makauwi sa Pilipinas upang harapin ang anumang ikinaso rito ngunit hindi ito pinayagan ng Aquino administration dahil sa takot na malaman ng sambayanang Pilipino ang katotohanan. Ang tagumpay ni BBM sa darating na halalan ay isang malaking kagalakan sa kanyang ama sa kabilang buhay dahil maipagpapatuloy nito ang kanyang nasimulan para sa ikabubuti ng bansa.

Ang pagbabalik ng Marcos sa pamahalaan ay hindi layunin ni BBM na gumanti sa kanyang mga kaaway sa pulitika kundi upang muling isaayos ang buhay ng ating mga kababayan at ipag­pa­tuloy ang ilang naiwang proyekto ng kanyang ama upang muling pakinabangan.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

131

Related posts

Leave a Comment