P.7-M SHABU NASABAT SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang mahigit kalahating milyong pisong halaga ng droga ang nasamsam makaraang madakip ang apat katao sa ikinasang buy-bust operation sa Imus City sa lalawigang ito.

Nakakulong na sa Imus Custodial Center ang mga suspek na sina Antonio Del Rosario, Anthony Castro, Joel Dequiroz at Rommel Concepcion, pawang nasa hustong edad at mga residente ng Brgy. Buhay na Tubig, Imus City.

Batay sa ulat ni Corporal Wilfredo Villanueva ng Imus City Police Station, dakong alas-4:20 nitong Sabado ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Imus CPS sa Brgy. Bahay na Tubig ng naturang lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober sa kanila ang tinatayang 112 gramo ng hinihinalang shabu na P760,000 ang street value.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (SIGFRED ADSUARA)

79

Related posts

Leave a Comment