PACQUIAO TATANGGAP NG  HIGIT P1-B SA LABAN

manny

(NI FRANCIS ATALIA)

MAHIGIT umano sa P1 bilyon ang makukuhang premyo ni fighting senator Manny Pacquiao bilang kabuuang premyo sa pakikipagsagupa niya kay Adrien Broner ngayon (Sabado ng gabi) sa Las Vegas, Nevada.

Batay ito sa opisyal na kontrata ng Pambansang Kamao na inihain sa Nevada State Athletic Commission. Nabatid na ang fight purse ni Pacman ay nasa $10 million dagdag pa rito  ang percentage sa kikitain sa mga pay-per-views.

Matapos ang laban ni Pacquiao, agad daw siyang babayaran ng $10 million at pagkaraa’y magbabayad naman siya ng federal income taxes, gayundin ng pagkakautang pa sa Internal Revenue Service (IRS) bukod pa ang pagbabayad ng sanctioning fee sa pagdepensa sa WBA world welterweight title at mga bayarin sa mga miyembro ng Team Pacquiao.

Para sa mga observers, ang dagdag pang mahigit na kalahating bilyong piso na katumbas  na ibabayad kay Manny ay magmumula naman sa share niya sa mga television rights sa Pilipinas, pay-per-view revenue sa Amerika at Showtime sponsorships at iba pa.

Di hamak na mas malaki ang tatanggaping premyo ni Pacquiao kumpara kay Broner na $2.5 million lamang.

Noong huling laban ni Pacman sa ilalim ng Top Rank,  ang naging premyo lamang niya ay $8.5 million kung saan na-upset siya ni Jeff Horn ng Australia noong taong 2017.

468

Related posts

Leave a Comment