RURU MASAYA SA BADING NA SUPPORTERS

ruru200

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

Guwapong hunk, ano ang reaksyon ni Ruru Madrid na maraming bading ang nagnanasa sa kanya?

“Sobrang masaya kasi actually ako po kasi, nakikita ko po kasi ang suporta ng LGBT community, na sobrang solid!

“Na to the point na ibang klase, na makikita mo na solid sila  sa iyo, na grabe ang suporta nila sa iyo.

“At tsaka wala po kasing sobrang bastos na sinasabi. Kumbaga hindi po nila ako binabastos. Natutuwa po ako sa mga comments nila every time na nagpo-post ako ng picture sa Instagram, ayun.

“Masaya naman.”

Never raw siyang naging homophobic.

“Kahit nanay at tatay ko maraming kaibigan na bading.”

Uso ang sex video scandal sa mga male stars, pero si Ruru raw ay siguradong wala siyang scandal.

“One hundred and one percent sure!”

Hindi raw siya nakikipag-chat sa mga taong hindi niya kilala.

“Kapag random people, hindi. Eversince. Iyon siguro yung mapa-proud ako sa sarili ko.”

Ang iba kasi ay kalimitang sa pakikipag-chat nabibiktima.

“Yung ganun po kasi, paminsan hindi natin maiiwasan. Ako po honestly, sa akin kahit po tingnan natin ang Instagram ko maraming nagme-message sa akin na mga random people, random girls na una dadaanin ka nila sa chat, ‘Hi, hello, fan mo ako,’ ganyan-ganyan.

“Siyempre ako titingnan ko yung profile nila, makikita mo talaga na sexy sila, ganyan-ganyan. Pero hindi na to the point na kailangan mo pang patulan.

“Siguro mas okay na yung taong kilala mo na lang ang kausapin mo.

“Kasi di ba, bata pa lang tayo tinuturuan na tayo ng mga magulang natin na don’t talk to strangers, di ba?”

Kahit napakaseksing stranger, iiwasan niya?

“Ako kasi, siguro it’s better na makilala mo personally kesa thru phone. Kasi ngayon kailangan nating maging maingat kasi nangyayari na po yang mga ganyan, di ba?

“So kumbaga meron ng mga patnubay, pinapakita nila na dapat hindi mo gayahin ito para hindi ka matulad sa ganyan, para hindi ka na magkaproblema ng ganyan.

“So ako, eversince naman. Siguro may mga nakakausap [chat] ako pero kilala ko,” kuwento pa ni Ruru na malapit ng mapanood sa Toda One I Live with Kylie Padilla sa GMA.

Umamin si Ruru na may mga random na tao na itsa-chat siya at hihilingin sa kanya na maghubad siya at ipakita ang kanyang pagkalalaki!

“Hindi ko po nire-reply-an.”

Ang payo niya sa mga may sex video scandal o maaaring masangkot pa sa ganitong kontrobersiya…

“Siguro iyon nga po, better na bago natin kausapin yung isang tao, lalung-lalo na sa social media, kilalanin muna natin or i-make sure natin na makikita natin sila sa personal.

“Siyempre hindi natin maiiwasan, kailangan nating makipag-date, kailangan  nating kumilala ng mga bagong tao, pero mas maganda na kilalanin mo sa totoong buhay, hindi sa cellphone, sa video call or sa computer.

“Kasi wala e, delikado na e, sobrang delikado. Para lang makaiwas,” sinabi pa ni Ruru.

 

 

7

Related posts

Leave a Comment