PAGBUSISI SA 2024-2025 UNPROGRAMMED ALLOCATIONS, UMUSAD SA KORTE SUPREMA

SUMALANG sa masusing pagbusisi ng Korte Suprema ang proseso ng pagpopondo ng unprogrammed allocations para sa mga taong 2024–2025.

Sa oral arguments kaugnay ng General Appropriations Act (GAA), pinangunahan ni Senior Associate Justice Marvic Leonen ang pagtatanong kay Solicitor General Darlene Berberabe hinggil sa legalidad ng paglalabas ng pondo.

Partikular na sinilip ang posibleng paglabag sa Section 35 ng Executive Order No. 292 o Administrative Code kaugnay ng pag-isyu ng Special Allotment Release Order (SARO) nang walang pahintulot ng Pangulo.

Kinuwestyon din ni Leonen kung maaaring kontrahin ng Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) ang desisyon ng Pangulo hinggil sa alokasyon ng pondo.

Lumabas din sa datos ng DBM na mahigit P100 bilyong sertipikasyon ang inilabas ng Bureau of the Treasury noong 2025 para sa dagdag na kita ng pamahalaan, kumpara sa tinatayang P377 bilyon noong 2024 na umabot pa sa higit P390 bilyon.

Patuloy na dinidinig ng Korte Suprema ang usapin upang matukoy kung nasunod ang wastong proseso sa paglalabas ng pondo.

(JULIET PACOT)

77

Related posts

Leave a Comment