BILANG pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na agad sirain ang lahat ng nasamsam na ipinagbabawal na droga, sinilaban ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang huli nilang dried marijuana stalks at fruiting tops na naka-pack sa 31 tubular form, at tumitimbang ng 30,234.9 gramo. Nanguna sa ceremonial burning ang PDEA Regional Office-Cordillera Administrative Region (CAR), na pinamumunuan ni Director Derrick Carreon, katuwang ang PNP Police Regional Office-CAR, sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet. Sumaksi sa pagsunog ang mga kinatawan mula sa Department of…
Read MoreAFP HANDA SA CONTINGENCY PLAN NG GOBYERNO PARA SA OFWs
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na handa itong tumugon sa anomang contingency plan ng gobyerno kaugnay sa overseas Filipino workers na naiipit sa digmaan partikular sa Gitnang Silangan. Nakahanda umano ang Sandatahang Lakas sa paglala ng tensyon sa Middle East, kasunod ng pagkamatay ng isang OFW sa isinagawang air raid ng Iran. Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., may nakahandang contingency plan ang militar para protektahan ang OFWs lalo na sa paglilikas ng mga Pilipinong nasa mga conflict zone, kung kinakailangan. Nakahanda umano…
Read MoreROCKET DEBRIS POSIBLENG BUMAGSAK SA LUZON AREA
NAGLABAS ng babala ngayon sa publiko ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa posibleng pagbagsak ng rocket debris mula sa himpapawid sa bahagi ng Luzon dahil sa nakatakdang paglulunsad ng Long March 7 rocket ng China sa pagitan ng Hulyo 15 hanggang 17. Batay sa inilabas na abiso ng NDRRMC, ang posibleng maging drop zones ay sa bisinidad ng Cabra Island, Occidental Mindoro; Recto Bank; Busuanga, Palawan; at Bajo de Masinloc malapit sa Zambales. “The Chinese rocket will be launched from Wenchang Space Launch Site in Wenchang,…
Read MoreHindi 12 lang – Napolcom 18 PULIS ANG DAWIT SA MISSING SABUNGEROS
NILINAW kahapon ng National Police Commission (Napolcom) na labing walong pulis at hindi labing dalawang miyembro ng PNP ang sabit sa inihain kaso na may kaugnayan sa mga nawawalang sabungero. Ayon sa NAPOLCOM, 18 kasapi ng PNP ang nadadawit sa inihaing complaint-affidavit ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan (alias Totoy) kaugnay sa pagdukot sa pinaghahanap na sabungeros. Ginawa ni National Police Commission Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Calinisan ang paglilinaw kahapon. “In the complaint affidavit filed by Patidongan yesterday, there were not 12 names. There were actually 18…
Read MorePANG-MASANG PRESS SECRETARY ANG KAILANGAN NI BBM
DPA ni BERNARD TAGUINOD KASISIMULA pa lamang ng huling tatlong taon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at nagsimula na ring manungkulan ang kanyang ika-5 press secretary na si Dave Gomez na kung tatanungin mo ang mga batang reporter, halos walang nakakikilala. Pinalitan ni Gomez ang dating broadcaster at negosyanteng si Jay Ruiz na noong italaga siya ay maraming humula na hindi siya magtatagal at hindi aaprubahan ng Commission on Appointment (CA) ang kanyang appointment dahil sa kanyang ‘bagahe” nang sumabit ang pangalan nito sa isang multi-million contract sa Philippine…
Read MorePAGLUBOG NG BARKO SA BI BAY SERVICE
BISTADOR ni RUDY SIM LULUBOG-LILITAW ang yugyugan blues na raket ng ilang kawani ng Bureau of Immigration sa Bay Service Unit ng BI sa Sea Ports sa bansa kung saan ay hindi umano nagdedeklara kung ilan ang dayuhang barko na dumadaong sa ating mga pantalan. Kung ang BI-Intelligence Division na masipag magsagawa ng operasyon laban sa POGO, ay napababalitang ilang ulit nang nagnakaw ng mamahaling mga kagamitan at pera ng nahuhuling mga dayuhan, maging ang di-umano’y hulidap na pinepera na lamang para hindi na dalhin sa oblo. Sino kaya itong…
Read MoreDAPAT MAPIGILAN NA ANG BENTAHAN NG SANGGOL
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS GANITO na ba kasama ang mga Pilipino, pati ba naman ang mga sanggol ay pinagkakakitaan gamit ang social media o Facebook. Umapela na ang National Authority for Child Care sa Meta Philippines na tumulong para masawata ang paglaganap ng bentahan ng mga sanggol sa pamamagitan ng social media partikular sa kanilang “Facebook”. Ito ay makaraan na isang sanggol ang nasagip ng NACC at Philippine National Police matapos na i-post at ibenta sa pamamagitan ng Facebook. Ayon sa NACC, nito lamang nakalipas na anim na…
Read MoreMAGPAPASKONG TUYO NA NAMAN SI JUAN DELA CRUZ
PUNA ni JOEL O. AMONGO ISANG buwan na lang at papasok na ang simula ng ber months (September). Ano kaya ang magiging Pasko ng mga Pilipino? Nang magsimula ang giyera sa pagitan ng Israel at Iran noong June 13, 2025, ay agad na tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo. Itataas sana ang presyo ng gasolina at diesel kada litro ng limang piso, subalit humiling ang pamahalaan sa mga kumpanya ng langis na ‘wag biglain ang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo para hindi masyadong mabigatan ang mga driver…
Read MoreTulong ng Big Casinos
Kaugnay nito, hinikayat ni Senator Risa Hontiveros ang malalaking casino sa bansa na tumulong sa pag-regulate ng online gambling. Hinamon ng senador ang mga big casino na patunayang sumusunod sila sa mga regulasyon at hindi isyu pa sa kanila ang paghihigpit sa mga online gambling sa bansa. Binigyang-diin ni Hontiveros na napag-iiwanan ang mga batas ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya kaya naman inihain niya ang panukalang maglilimita sa access sa online gambling partikular sa e-wallet at super apps. Marami aniyang buhay ang sinira ng online gambling at maraming pamilya…
Read More