PINABUBUHAY ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Quad Committee sa pagbubukas ng 20th Congress at ang kaso ng mga nawawalang sabungero ang unang iimbestigahan. Nakasaad sa House Resolution (HR) 53 na inihain kahapon ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na ipatawag din ang mga isinasangkot sa pagkawala ng 34 sabungeros tulad ni Charlie “Atong” Ang at dating aktres na si Gretchen Barretto. “Resolved still further that the Lucky 8 Star Quest, Inc., Charlie ‘Atong’ Ang and Gretchen Barretto and other resource persons be subpoenaed to appear and…
Read MoreFL LIZA IDINEPENSA NI GADON
“WHERE’S the logic?” Ang tanong na ibinato ni Presidential Adviser Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon nitong Martes sa mga isyu at alegasyong may kinalaman si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagkamatay ni Paolo “Paowee” Tantoco, ang Rustan Commercial Corporation (RCC) executive noon pang Marso dahil umano sa overdose sa paggamit ng cocaine sa Los Angeles, California. Sa isang video statement na ibinahagi ni Gadon, sinabi nitong “no logic” ang atasan ang Malacañang na maglabas ng ‘comprehensive report’ sa pagkamatay ni Mr. Tantoco, kabilang ang kaugnayan — direct o’ indirect…
Read MoreKaugnayan sa pagkamatay ni Tantoco muling lumutang US TRIP NI FL LIZA PINADEDETALYE
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UPANG malinis ang pangalan ni Unang Ginang Liza Marcos sa pagkamatay ng business tycoon na si Paolo Tantoco ay hiningan ni Senador Imee Marcos ang Palasyo ng Malacañang ng komprehensibong report patungkol sa usapin. Kabilang sa inurita ng kapatid ng Pangulo ang mga lugar na pinuntahan ni First Lady Liza partikular noong panahon na mangyari ang umano’y pag-overdose sa droga ng negosyante na humantong sa kamatayan nito. Sinasabing binawian ng buhay si Tantoco habang ito’y nasa Los Angeles, California noong Marso. Base sa mga kumalat na…
Read MoreHindi pwede ‘OPM’ sa responsible gaming E-GAMBLING OPERATORS PINAMO-MONITOR
HINDI dapat makuntento ang gobyerno at publiko sa pangako ng malalaking casino operator na magpapatupad ng ethical business practices at responsible gaming upang labanan ang negatibong epekto ng online gambling. Ito ang sinabi ni Senador Win Gatchalian na naggiit ng pangangailangan para sa mas mahigpit na regulasyon laban sa mga online gambling operator. Kasunod ito ng anunsyo ng mga casino tulad ng Solaire, Newport, at Okada na muli nilang pinagtibay ang kanilang commitment sa ethical business practices at responsible gaming. Ipinanukala ni Gatchalian ang panukalang naglalayong gawing mandatory ang pagpapatupad…
Read MoreSa isyu ng Maltese citizenship GIBO PINAGBIBITIW
UMUGONG ang panawagan ng pagbibitiw ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. matapos kumalat sa social media na mayroon siyang dual citizenship matapos palutangin ang pagkakaroon niya ng Maltese passport. Nauna rito, lumabas sa social media ang mga ulat hinggil sa pasaporte ni Teodoro na inisyu ng Malta noong 2016 at balido hanggang 2026. Bagaman iginiit ng Department of National Defense (DND) na isinuko ni Teodoro ang naturang pasaporte bago siya tumakbo sa Senado noong 2022 at bago siya hinirang bilang kalihim noong 2023, ikinagalit ng marami ang katotohanang lumabas…
Read MoreILOCOS NORTE AT ILOCOS SUR NIYANIG NG 5.8 EARTHQUAKE
NIYANIG ng magnitude 5.8 na lindol ang bayan ng Pasuquin sa Ilocos Norte pasado alas-10:38 ng nitong Martes ng umaga, Hulyo 15, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na naramdaman hanggang Ilocos Sur. Ayon sa Phivolcs, ang tremor ng lindol ay nasa 27 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig. Natunton ang epicenter nito na nasa humigit-kumulang 29 km hilagang-kanluran ng Pasuquin. Naramdaman din ang lindol sa mga kalapit na bayan at probinsya ng Solsona at San Nicolas (Ilocos Norte), Claveria (Cagayan), Sinait at Vigan…
Read More‘TRUSTED BUILD’ PROCESS SINIMULAN NA NG COMELEC PARA SA BARMM ELECTION
SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) noong Lunes ang “trusted build” process para sa automated election system (AES) na gagamitin sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Oktubre. Kabilang sa trusted build process ang “compilation of the final, verified source codes into executable, machine-readable programs”. Sinabi ng Comelec, ang proseso ay idinesenyo para matiyak ang integridad, seguridad at accuracy ng election system— lalo na makaraan ang anomang modipikasyon sa code. Sa panayam, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin M. Garcia, bagama’t ang BARMM…
Read MoreP40-M DROGA NAKUMPISKA SA NEGROS ISLAND REGION
NEGROS ORIENTAL – Kalaboso ang isang tinaguriang high value individual (HVI) na target ng buy-bust operation nitong Martes ng madaling araw sa lalawigan. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas-dose ng madaling araw, ikinasa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Negros Oriental Police Provincial Office (NORPPO) ang operasyon sa Purok 5, Brgy. Sto Niño, San Jose, Negros Oriental. Kaagad namang naaresto ang suspek na tinaguriang high value individual ng Negros Island Region, kung saan nakumpiska ang anim na kilo ng hinihinalang shabu…
Read More3 TRUCKER PATAY, 3 PA SUGATAN SA 2 AKSIDENTE SA QUEZON
QUEZON – Dalawang truck driver at isang pahinante ang nasawi, habang tatlong iba pa ang nasugatan sa magkahiwalay na sakuna sa lansangan sa lalawigan. Ayon sa ulat ng Quezon PNP nitong Martes, bandang alas-5:30 ng umaga, namatay ang driver at pahinante nang mawalang ng kontrol sa minamanehong win-van truck habang binabagtas ang kurbadang bahagi ng Quirino highway sakop ng Barangay San Vicente sa bayan ng Tagkawayan. Dead on the spot si alyas “William” at helper nito nang bumangga ang kanilang truck sa isang poste bago nagtuloy tuloy-at sumalpok sa isang…
Read More