ISKO NANATILING MATATAG SA MAYNILA

TINIYAK ni dating Manila mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na ibabalik niya ang dati na niyang ginagawa noong siya pa ang Ama ng Lungsod, lalo na ang apat na pangunahing pangangailangan ng tao kapag siya ay muling palarin na mailuklok bilang alkalde kabilang rito ang healthcare, trabaho, edukasyon at pabahay. Marami namang taga-Maynila ang naniniwalang makakabalik bilang alkalde sa lungsod si Domagoso sa kabila ng mga ibinabatong akusasyon at paninira laban sa kanya ng mga katunggali sa pulitika, na kung saan nanatili pa ring malakas at matatag ang suporta sa…

Read More

SUPORTA NG MONTALBEÑO LAKAS AT INSPIRASYON NI CONG. NOGRALES

SA mga senior citizen, kababaihan, estudyante at iba pang mga residente ng Montalban humuhugot ng lakas at inspirasyon si Congressman Fidel Nograles kaya hindi siya napapagod sa house-to-house campaign kahit na tirik-na-tirik ang araw habang ginagawa niya ito. Ito ang sinabi ni Cong. Fidel Nograles sa panayam sa kanya ng mga taga-media sa kanyang isinagawang H2H campaign sa mga barangay ng Manggahan at Burgos sa Montalban, Rizal nitong Miyerkoles ng nakaraang linggo (Abril 9, 2025). Nakasama ng kongresista sa aktibidad ang mga residente ng dalawang nabanggit na barangay. Dakong alas-2:00…

Read More

2 SUNDALO PATAY, ISA PA SUGATAN SA AMBUSH

PATAY ANG dalawang kasapi ng Philippine Army habang isa pa ang sugtan nang tambangan ng isang grupo ng armed lawless elements sa Barangay Lahi Lahi, Tuburan, Basilan. Ayon sa impormasyong ibinahagi ng 18th Infantry Battalion ng Phil. Army, sakay ng dalawang motorsiklo ang mga sundalo mula sa Dugaa Patrol Base at patungo sa Charlie Company Command Post nang mangyari ang pag-atake. “The 18th Infantry Battalion mourns the loss of these brave soldiers, who were victims of this senseless violence while executing their duty to serve and protect the nation. Their…

Read More

FPJ PANDAY-BAYANIHAN PL NAG-IKOT SA MINDORO OR

DINUMOG ng mga tagasuporta ang motorcade ang FPJ Panday Bayanihan Party-list sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Nagsimula ang pag-iikot ng grupo sa mga bayan ng Gloria, Pinamalayan, Socorro, Victoria, Naujan at natapos sa Calapan City kung saan idinaos ang grand rally sa Barangay Sta. Isabel. Tinatayang nasa 15,000 mamamayan ang dumalo sa rally. Dumalo rin sa aktibidad si Senator Grace Poe, ina ng 1st nominee ng party-list na si Brian Poe, 2nd nominee Mark Patron, 3rd nominee Hiyas Dolor at Governor Bonz Dolor. (DANNY BACOLOD) 243

Read More

Kasama iba pang PDP bets EX-ES RODRIGUEZ INENDORSO NI POLONG SA SENADO

HINILING ni Davao First District Congressman Paolo “Polong” Duterte sa kanyang mga tagasuporta na iboto ang lahat ng 10 senatorial candidate ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na kinabibilangan ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez. Ginawa ng mambabatas ang panawagan sa sorpresang pagdalo nito sa Hugpong sa Tawong Lungsod (HTL) campaign rally sa Royal Valley, Bangkal, Barangay Talomo Proper, Davao City kamakalawa para itulak ang kanyang reelection bid. Bukod kay Rodriguez, kabilang sa 10 kandidato ng PDP-Laban sina Rodante Marcoleta, Sens. Bong Go at Ronald “Bato” dela Rosa,…

Read More

MOA SA PAGLILIPAT NG 14 SCHOOLS SA TAGUIG, ISYU PA RIN KAY MAYOR ABBY

GINAGAMIT ni Mayor Abby Binay bilang isyung pulitikal ang paglilipat ng 14 paaralan mula sa Makati City tungo sa Taguig City kahit nalutas ang sigalot sa pamamagitan ng nilagdaang nitong memorandum of agreement (MOA) sa Department of Education (DepEd). Bukod dito ang desisyon ng Supreme Court na naglilipat sa 10 EMBO Barangay na kinatatayuan ng 14 na paaralan, sa hurisdiksyon ng Taguig City mula sa Makati City. Napansin sa kampanya ni Mayor Binay sa CEMBO kamakailan, inungkat nito ang isyu sa14 public schools na hindi nito ipinasara ang paaralan dahil…

Read More

“Binata na sana siya ngayon” BATANG NAPATAY SA ‘OPLAN TOKHANG’ NI BATO INALALA

HALOS isang dekada ang nakalipas, isang ligaw na bala ang tumapos sa pangarap ng 9-anyos na si Lenin Baylon na maging guro matapos masawi sa engkuwentro ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki at dalawang hinihinalang sangkot sa droga sa Caloocan City. Napatay si Lenin noong Disyembre 2, 2016—tatlong araw bago ang kanyang ika-10 kaarawan. Nangyari ito anim na buwan matapos ilunsad ng noo’y Pangulong Rodrigo Duterte ang madugong kampanya kontra droga. “Gusto niya ng buhay. Gusto niyang makatapos ng pag-aaral at maging guro para tumulong sa mga batang kapus-palad. Lagi…

Read More

GIMIK NI IMEE ‘DI BUMENTA KAY HONEYLET: PA-EK-EK LANG!

HINDI bumenta kay Honeylet Avancena, ang partner ni dating pangulong Rodrigo Duterte, ang imbestigasyon ni Senadora Imee Marcos ukol sa pag-turnover sa dating pangulo sa International Criminal Court (ICC). Nang tanungin ng media sa The Hague ukol sa imbestigasyon ni Imee, tinawag ito ni Honeylet na “pa-ek-ek na lang yon” at sinabing hindi siya naniniwala kay Marcos. “Tanong siya na ‘ano ba talaga nangyari’? Hindi ba niya nakita ang nangyari?” ani Honeylet. Binatikos naman ni Senate President Francis Escudero si Marcos sa paggamit sa Senado para isulong ang kanyang personal…

Read More

BUWANANG SWELDO, PHILHEALTH COVERAGE SA MGA TANOD AT HEALTH WORKERS PANGAKO NI SEN. AQUINO

NANGAKO si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino na isusulong ang kapakanan ng mga barangay tanod at barangay health workers (BHWs) kapag nakabalik sa Senado. Sa kanyang dayalogo kasama ang mga barangay tanod at BHWs ng Naga City nitong Huwebes, sinabi ni Aquino na dapat bigyan ng tamang pagkilala ang mga tanod at BHW na itinuturing na frontliner ng barangay pagdating sa kaayusan at kalusugan. Ayon kay Aquino, magandang mabigyan sila ng buwanang sweldo, PhilHealth coverage, libreng training, at libreng serbisyong legal kapag nagkaroon ng kaso na may…

Read More