INABISUHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga piling indibidwal kaugnay sa local absentee voting na itinakda sa Abril para sa 2025 elections. Sinabi ng Comelec na lahat ng government officials at empleyado kabilang ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) at media practitioners kasama ang kanilang technical at support staff na pansamantalang naka-assign para gampanan ang kanilang election duties o para ikober ang pagsasagawa ng halalan, ay maaring ma-avail ang local absentee voting para sa botohan ngayong taon. Ang government officials…
Read More9-ANYOS TOTOY MALUBA SA RESBAK SA AWAY-BATA
NASA malubhang kalagayan ang 9-anyos na batang lalaki matapos barilin ng isa sa tatlong suspek bilang ganti sa ginawa umanong pagbugbog ng biktima sa kapwa bata sa Navotas City. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si alyas “Angelo”, residente ng Market 3, Brgy. NBBN, matapos isailalim sa operasyon sa tama ng bala sa dibdib na tumagos sa likod. Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Navotas City Police Station ang hinihinalang gunman na si alyas “Aljhun”, 31, ng Brgy. NBBS Proper, habang hinahanap pa ang dalawa…
Read More3 OBRERO ARESTADO SA RAPE SA ESTUDYANTE
ARESTADO na ang tatlong construction workers na sangkot sa panggagahasa sa isang estudyante sa Pasig City, sa operasyong isinagawa ng mga operatiba ng Pasig City Police Station Intelligence Section kasama ang RIU-NCR, NISG-NCR, RMFB4A 404th A Maneuver Company at iba pang unit. Ayon sa report na tinanggap ni PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, kusang isinuko sa mga awtoridad ng mga kamag-anak ang mga suspek noong Pebrero 13, 2025, dakong alas-12:50 ng hapon napagkasunduang lugar sa P. Gomez Street, Brgy. San Jose, Pasig City. Kinilala ang mga…
Read MoreGRAB RIDER INARESTO SA ATTEMPTED HOMICIDE
INARESTO ng mga operatiba ng Theft and Robbery Section ng Manila Police District ang isang 47-anyos na Grab driver sa bisa ng warrant of arrest sa kasong attempted homicide noong Huwebes ng hapon sa Tondo, Manila. Kinilala ang suspek na si “Rolando” residente ng Tondo, Manila. Base sa ulat ni Police Lieutenant Donald Panaligan, hepe ng Theft and Robbery Section, kay Police Lieutenant Damaso Burgos, OIC ng Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD), bandang alas-5:55 ng hapon nang matunton ang suspek sa Herbosa Street sa Tondo. Inaresto ang…
Read MoreTessa Prieto sinupalpal ng gag order ng Makati court
Inisyuhan ng Makati Regional Trial Court Branch 144 ng gag order si Tessa Prieto Valdes upang mapigilan ito sa pagpapahayag ng mapanirang statements laban sa ex-girlfriend na si Angel Chua na una na niyang kinasuhan sa Makati Prosecutor’s Office. Sa isang pahinang order, inutusan ng korte si Prieto na huwag magbigay ng anumang komento sa anumang public fora na may kaugnayan sa nakabinbin na kaso. Una nang nagpasaklolo ang kampo ni Chua sa korte at inaprubahan ang inihaing mosyon ni Atty Alexander Llanes Acain Jr. na humihiling na magpalabas ng…
Read MoreBALASAHAN SA GABINETE NI MARCOS, ITINANGGI NG MALAKANYANG
MARIING itinanggi at itinuring ng Malakanyang na espekulasyon lamang ang di umano’y nagbabadyang ‘reorganization’ sa gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala siyang ideya ukol sa posibleng reorganization ng gabinete at binigyang diin na ayaw niyang patulan ang haka-haka lamang. “Well, I do not know yet how true they are or is there any basis but usually speculations are always there. Hindi naman namin pwedeng sabihin sa inyo until nangyari na iyan because you know, we do not have compelling reasons,” ang…
Read MoreMAY-ARI NG SINALAKAY NA BODEGA NG BIGAS TUGISIN, PAPANAGUTIN – AGAP
IKINALUGOD ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) Partylist ang pagkakahuli at pagsasampa ng reklamo sa apat na indibidwal nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Agriculture (DA) ang isang bodega ng bigas sa Bocaue, Bulacan noong Lunes, Pebrero 10. Iginiit ni AGAP Partylist Rep. Nicanor “Nick” Briones na dapat masampulan din ang mga may-ari ng bigas at warehouse sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12022 o mas kilala bilang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na may parusang lifetime imprisonment…
Read MoreANG BUMBERO NG PILIPINAS NAGLUNSAD NG MOTORCADE PARA SA MGA VOLUNTEER FIREFIGHTER AT RESCUER
(TRACY CABRERA) INTRAMUROS, Maynila — Nagsagawa ng makasaysayang kick-off motorcade rally ang grupong kumakatawan sa mga fire at rescue volunteers sa buong Pilipinas kaninang umaga na nagsimula sa harap ng Bureau of Immigration sa Intramuros Maynila bilang hudyat ng pagsisimula ng campaign period para sa darating na halalan sa Mayo 12. Mahigit na 200 sasakyan ng mga fire at rescue volunteer ang nakilahok kabilang ang nasa 3,000, taga suporta mula sa iba’t ibang organisasyon na nagpakita ng pakikiisa sa Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list group. Ang Bumbero ng Pilipinas…
Read MorePANTAY NA KARAPATAN AT OPORTUNIDAD SA BAWAT MODERNONG PAMILYANG PILIPINO, ITINUTULAK
Si Atty. Anel Diaz, first nominee ng Pamilya ko Partylist. ISINUSULONG ng Pamilya Ko Party-list ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at oportunidad para sa bawat modernong pamilyang Pilipino. Kabilang dito ang live-in parents, OFW parents, blended families, adoptive families, at pati na LGBTQIA+ families. Sa isinagawang kick-off ng kampanya ng Pamilya Ko partylist sa Tanay, Rizal, inisa-isa ng lead nominee na si Atty. Anel Diaz at second nominee na si Miguel Kallos ang kanilang plataporma kabilang na ang pagpapalawak ng serbisyo gaya ng tulong medikal sa non-traditional families. Kung…
Read More