MASKARADONG LALAKI HULI SA CCTV NA BINABAKLAS TARPAULIN NI ISKO, IKINAGALIT NG NETIZENS

VIRAL ngayon sa social media ang malawakang “Baklas Tarpulin Gang” kasunod ng mga kuha sa mga CCTV na tinatanggal ng mga ito ang mga tarpulin na sumusuporta kay dating Manila Mayor Isko Moreno at ngayon ay muling nagbabalik bilang ama ng lungsod ng Maynila. Sa mga pangyayaring ito, nagdulot ng matinding galit ang mga netizen sa mga nasa likod ng nasabing ‘dirty tactics’. Pawang mga nakasuot ng mask ang mga lalaking nakamotorsiklo at umiikot sa kalaliman ng gabi upang baklasin ang mga tarpulin ni Yorme. Ilang netizens ang nagpahayag ng…

Read More

TUMIRIK NA SOKOR PASSENGER VESSEL, SINAGIP NG PH NAVY

ISANG passenger vessel ng South Korea ang sinagip ng Philippine Navy na naka-detail sa AFP Northern Luzon Command, noong Miyerkoles ng hapon sa Ilocos Norte. Ayon sa ulat na ibinahagi ng NOLCOM, matapos makatanggap ng distress call ay agad naglayag ang Navy BRP Nestor Reinoso (Patrol Craft 380) na nasa ilalim ng Naval Forces Northern Luzon, Naval Task Force 11, para hanapin ang UDOSARANG 1, isang South Korean passenger vessel. Nagpadala ng emergency alert ang UDOSARANG 1 nang maramdaman nito ang mechanical malfunction habang naglalayag sa dagat sakop ng Burgos,…

Read More

MAG-ASAWA ARESTADO SA PEKENG NETHERLANDS VISA

ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang mag-asawa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa tangkang paglabas ng bansa gamit ang pekeng Netherlands visa. “Our officers are well-trained to detect fraudulent travel documents,” pahayag ni Bureau of Immigration Commissioner Joel Viado. “We warn the public against unscrupulous groups offering fake visas. These schemes not only waste hard-earned money but also put travelers at risk of legal consequences,” ayon kay Viado. Sinabi naman ni BI Immigration Protection and Border Enforcement (I-PROBES) chief Mary Jane Hizon, tinangkang…

Read More

EDSA PEOPLE POWER PAY RULES INILABAS NG DOLE

NAGLABAS ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pay rules para sa tamang pagpapasahod sa mga manggagawa na papasok sa trabaho sa ika-39th anibersaryo ng EDSA People Power revolution sa Pebrero 25. Ayon sa labor Advisory 2,s.2025, ang pay rule ay alinsunod sa Proclamation 727, s. 2024, na nagdedeklara na ang Martes o Pebrero 25 ngayong taon bilang special working day sa bansa. Nilagdaan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang labor advisory nitong Biyernes, Pebrero 7. Batay sa advisory, ang mga sumusunod na panuntunan sa pagbabayad ay dapat ilapat:…

Read More

IMPEACHMENT DAPAT LUMARGA NA SA SENADO

ITO ang ipinahiwatig ni Congresswoman Arlene Brosas ng Gabriela Women’s Party-list sa ilalim ng Makabayan Group, sa “The Agenda” media forum na ginanap sa Club Filipino sa San Juan City, kahapon ng umaga. Sagot ito ng mambabatas sa sinabi ni Senate President Francis Escudero na walang mangyayaring impeachment trial sa panahon na naka-session break ang Senado. “Sa tingin po kasi namin, walang ibang time na pwede. Hindi mo [kasi] pwedeng takdaan ng time yong pagkakaroon ng impeachment court. Pwede [namang] gawin yan ngayon at [pwedeng] magpatuloy sa mga susunod [na…

Read More

50TH ANNIV NG JESUS MIRACLE CRUSADE, ‘DI MAG-EENDORSO NG KANDIDATO

NO way! ang sinomang politiko na gustong magpaendorso sa maimpluwensyang religious group na JESUS Miracle Crusade International Ministry (JMCIM) sa kanilang 50th Golden Church Anniversary sa Linggo, Pebrero 9, 2025. Ang JMCIM ay isa sa pinakamalaki at matagumpay na Apostolic churches sa Pilipinas na magdiriwang ng 50th Golden Church Anniversary na gaganapin sa Quirino Grandstand s sa Luneta Park. Inaasahang libo-libong miyembro nila ang dadalo mula sa Luzon, Visayas at Mindanao sa malaking okasyon na gaganapin sa Maynila. Sinabi ni Beloved Minister Filmore Awas na iginagalang nila ang lahat sa…

Read More

ALFRED, PM VARGAS HIT FOR INSULTING RIVALS OVER PHYSICAL APPEARANCE

Veteran entertainment reporter and talent manager Ogie Diaz called on actor-turned-politician Alfred Vargas to clarify his remarks after a viral video showed him allegedly mocking the physical appearance of his opponents in the upcoming midterm elections. https://www.facebook.com/61572134186274/videos/9503958972972241 On a Facebook post, Diaz shared a clip of Vargas speaking at what appeared to be a campaign sortie, where he addressed supporters and political allies clad in blue. “Baka gustong linawin ito ni Alfred Vargas. Puro nega ang comment sa kanya,” Diaz wrote. “Bakit dumating na raw siya sa ganitong point ng…

Read More

PAGKAMATAY SA PAGTITIPON NG MGA POLITIKO, DAPAT MAY MANAGOT –ATTY. ABANTE

“ANG ‘di pagsunod sa simpleng regulasyon ay maaaring magdulot ng kapahamakan. Halimbawa: nito lamang ginamit ang Ninoy Aquino Stadium (isang sports venue) para sa “patawag” ni Mr. Francisco Domagoso kahit ang permit noon ay para lang sa sports events. Anong nangyari? Nagsiksikan, nagkagulo, may senior citizen na na-heat stroke, patay! Si Konsehal Apple Nieto nagpa-bingo sa kalsada, may batang nasagasaan. Patay. Mananagot ang mga dapat managot.” Ito ang inihayag ni Manila public information office chief Atty. Princess Abante, nang kanyang batikusin ang isang social media post ukol sa fake memo…

Read More

P2.7-B SHABU MULA PAKISTAN NASABAT

MAHIGIT 400 kilograms ng crystal meth, o shabu, na P2.7 billion ang halaga mula sa Pakistan, ang nakumpiska sa operasyon noong Enero, ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, agad nilang inimpormahan si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla makaraang matanggap ang intelligence report mula sa foreign counterpart, ang hinggil sa parating na drug shipment mula sa Karachi, Pakistan. Dagdag ni Santiago, bumuo si Remulla ng task force na kinabibilangan ng NBI, Bureau of Customs, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)…

Read More