DPWH BINIGYAN NG ISANG LINGGO UPANG TAPUSIN ANG PAGSASAAYOS SA ROXAS BOULEVARD

PINAKIKILOS agad ni Senate Committee on Public Works Chairperson Ramon Bong Revilla Jr ang Department of Public Works and Highways (DPWH) upang ayusin ang bahagi ng Roxas Boulevard malapit sa Baclaran na nasira. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nag-collapse ang lumang box culvert na sumusuporta sa kalsada na nagresulta sa temporary closure ng dalawang southbound lanes ng Roxas Boulevard malapit sa panulukan ng Airport Road sa Parañaque. Nais ng senador na tapusin ng DPWH ang pagsasaayos sa loob ng isang linggo. “Tinatawagan natin ang DPWH – kailangan gawin…

Read More

PONDO PARA SA TEXTBOOKS AT LEARNING MATERIALS, DINAGDAGAN NG P300M

KINUMPIRMA ni Senador Sherwin Gatchalian na pasok sa inaprubahang panukalang 2025 budget ng Senado ang pagdaragdag ng P300 milyon na pondo para sa mga textbooks at learning materials. Sa ilalim ng Committee Report ng Senado sa panukalang 2025 national budget, P300 milyon ang nadagdag sa P12.4 bilyong una nang inilaan sa mga textbooks at iba pang learning materials. Saklaw ng naturang pondo ang mga textbooks ng mga mag-aaral sa Grade 3 at mga manual para sa guro. Matatandaang inaprubahan na kamakailan ng Senado ang pinal na bersyon nito ng panukalang…

Read More

‘ADIK NA PRESIDENTE’

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NOONG isang linggo, ginulantang na naman ng dating pangulong Digong Duterte ang gabi ng mga Noypi. Pakawalan ba naman ang malutong na “presidenteng adik” patungkol kay Pangulong Bongbong Marcos. Pero pansin n’yo rin ba na tila wala naman nawindang sa mga litanya ng dating pangulo? Sabi nga, inistorbo lang daw ang gabi sa kanyang rhetorics. Pagod na ba talaga ang mga Pinoy na magreklamo o hingin kung ano ang nararapat sa mga taong gobyerno o namanhid na at wala nang pakialam? Sagot ng netizens: Hindi. Pero…

Read More

GOV. HELEN TAN TAOS-PUSONG NAGPASALAMAT KAY PBBM SA TULONG SA MGA MAGSASAKA

TARGET NI KA REX CAYANONG SA ilalim ng pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan, buong puso ang pasasalamat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito’y bunga ng mahalagang inisyatibo ng pamahalaang nasyonal na naglalayong mabigyan ng kaginhawaan ang ating mga magsasaka. Sa pamamagitan ng ipinamahaging E-Titles at Certificate of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) ngayong Nobyembre 29, nadama ang tunay na malasakit ng administrasyon para sa sektor ng agrikultura. Umabot sa kabuuang halagang P441.71 milyon ang na-condone para sa lalawigan ng Quezon, na nagresulta sa…

Read More

PAGKILALA SA MGA TUNAY NA NAGBIBIGAY NG LIWANAG

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SA pagpasok ng buwan ng Disyembre, kaliwa’t kanan na naman ang maliliwanag na mga dekorasyong makikita sa mga tahanan at mga establisyimento. Kapag panahon ng kapaskuhan, nagdadala talaga ang natatanging mga selebrasyon ng kakaibang pakiramdam sa ating mga Pilipino. Dahil nga sa sobrang pagpapahalaga natin at pagbibigay ng atensyon dito, kilala ang bansa natin bilang isa sa mayroong pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko. Nariyan na rin ang napakaraming Christmas lighting events na nagsimula na noon pang nakaraang buwan. Nitong nakaraang linggo, inilawan na rin ng Meralco…

Read More

PAALALA NI PBBM SA MGA SUNDALO: ‘WAG MAGPABUYO SA INGAY NG PULITIKA

BINISITA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang mga sundalo ng Southern Luzon Command (SOLCOM) kahapon sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City, Quezon. Dito ay pinaalalahanan ni Pangulog Marcos ang mga sundalo na huwag magpadala sa nagaganap na ingay ng pulitika. Kasama ng commander in chief sina Defense Secretary Gilbert Teodoro, Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at General Romeo S. Brawner Jr., Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines. Pinapurihan ng Pangulo ang mga opisyales ng SOLCOM sa kanilang naging mga accomplishment at hinikayat…

Read More

Kasunod ng pahayag ni FPRRD SETTING NG AFP SOCIAL MEDIA ACCOUNT BINAGO

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pansamantala muna nilang ini-disabled ang ilang features ng kanilang social media account. Ayon kay AFP Public Affairs Office chief, Colonel Xerxes Trinidad, ito ay dahil sa kanilang na-monitor na suspicious activities mula sa umano’y trolls accounts. Dahilan upang isara ng AFP ang comment section ng kanilang Facebook page makaraang bahain ito ng mga komento at kahina-hinalang mga aktibidad. Ayon kay Col. Trinidad, pansamantala nilang ini-disabled ang ilang features ng kanilang official FB dahil sa kahina-hinalang mga komento. Aniya, bukas…

Read More

MOU NILAGDAAN NG PASAY LGU AT INDONESIAN GOVT

Sinaksihan nina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, HE Agus Widjojo, Indonesian Ambassador to the Philippines at Edgar*Egay”Rubiano ang paglagda sa Memorandum of Understanding sa Conrad Hotel sa Parañaque City. Lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Pasay City LGU at Indonesian government upang pasiglahin ang matibay na ugnayang pang-ekonomiya at lumikha ng libu-libong mga oportunidad ng trabaho sa Pilipinas. Ang MOU ay nangangahulugan ng isang multi-bilyong foreign investment commitment mula sa Indonesian business community, isang makabuluhang hakbang upang mapanatili ang paglago ng negosyo at ekonomiya ng bansa. Ayon kay…

Read More

3 TULAK HULI SA P1.7-M SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang naaresto sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiska ang P1.7 milyong halaga ng umano’y shabu sa parking lot ng isang kilalang mall sa Gen. Trias City noong Huwebes ng gabi. Nasa kustodiya na ng Gen. Trias Component City Police Station ang naarestong mga suspek na sina alyas “Usman”, “Agul” at “Camile”. Ayon sa ulat, bandang alas-8:50 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 4A RSET, Philippine…

Read More