(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SA halip na maging huwaran ng mga kabataan, hayagan ang kabalbalan ng isang alkalde ng isang bayan sa lalawigan ng Rizal. Ito ay dahil pati peryahan umano ay pinasok na rin nito sa hangaring makalikom ng pera para sa nalalapit na halalan. Tawagin natin sa pangalang Alanis the Lion ang mayor na higit na kilala sa Rizal sa sandamakmak na kabalbalan sa loob at labas ng lokal na pamahalaan. Sa kanyang bayan na matatagpuan sa baybaying bahagi ng Laguna de Bay, hindi lang isa ang kanyang…
Read MoreP2.2-M ‘DAMO’ SINUNOG SA ILOCOS SUR
ILOCOS SUR – Umabot sa P2,225,000 halaga ng fully grown marijuana plants at marijuana dried leaves ang winasak at sinunog ng mga awtoridad sa nadiskubre nilang plantasyon ng marijuana sa Brgy. Licudan, sa bayan ng Sugpon, sa lalawigang ito noong Nobyembre 28. Nagsasagawa ng marijuana eradication operation sa Mt. Agay ang law enforcement officers mula sa Philippine National Police-Drug Enforcement Group Special Enforcement Unit (lead unit), National Bureau of Investigation, 1st Provincial Mobile Force Company La Union Provincial Office, Sugpon MPS, at PDEA La Union Provincial Office, nang madiskubre nila…
Read MoreAYAW MAGBAYAD NG UTANG, NAMARIL
CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang lalaki makaraang barilin ang kanyang kapitbahay dahil sa paniningil nito sa kanyang utang sa bayan ng Kawit sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Kalayaan Hospital ang biktimang si Antonio Avila y Layson, 36, may asawa, ng Libis ng Nayon, Brgy. Wakas II, Kawit, Cavite dahil sa tama ng bala sa kanyang kaliwang paa makaraang barilin ng kapitbahay nito na si alyas “Benjamin”. Ayon sa ulat, dakong alas-7:10 ng gabi nang magkita ang magkapitbahay sa Brgy. Wakas kung saan…
Read MorePOGO INVESTIGATION ITITIKLOP NA NG KAMARA
TATAPUSIN na ang imbestigasyon ng House Quad committee sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na isa sa tatlong usapin na inimbestigahan ng komite sa nakaraang limang buwan. Ito ang kinumpirma ni Quad Comm lead chairman Robert Ace Barbers kaugnay ng nasabing isyu na kinasasangkutan ng mga Chinese national na nagpanggap na mga Pilipino. “Marami na rin tayong natalakay sa usapin ng POGO. Pina-finalize na namin yung aming termination at committee report sa subject na ‘yan,” pahayag ni Barbers sa isang panayam kahapon. Ayon sa mambabatas, nakapaghain na ang mga ito…
Read MoreNAUNSYAMING PAGPAPATALSIK KAY PBBM, UGAT NG GALIT NI VP SARA?
PINAG-UUSAPAN ngayon sa social media ang ilang post ng netizens na dahilan daw kaya galit na galit si VP Sara Duterte kay Speaker Martin Romualdez. Sa X post ng username na Laitera, na may higit 600,000 na ang nakabasa at may 3,300 likes, sinabi nito na taong 2023 nagsimula ang lahat nang tangkain umano na agawin ni dating pangulong Gloria Arroyo, na noo’y Senior Deputy Speaker, ang pagiging Speaker ni Martin Romualdez. Ang dahilan aniya ay para patalsikin si Pangulong Marcos sa pamamagitan ng impeachment para ipalit si VP Duterte.…
Read More28,000 OFWs SA ISRAEL SINIGURO ANG KALIGTASAN—REP. ERWIN TULFO
SINIGURO ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang kaligtasan ng mahigit 28,000 manggagawang Pilipino sa Israel ngayon kasunod pa rin ng patuloy na giyera ng naturang bansa sa grupong Hamas sa Gaza City, Hezbollah sa Lebanon, at sa bansang Iran. Ito ang naging pangunahing paksa matapos ang courtesy visit ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa tanggapan ni Tulfo sa House of Representatives sa Batasan, Quezon City nitong Nobyembre 27. “My question, Mr. Ambassador, is that we have a lot of Filipino friends…
Read MoreLIBRENG PAGHAHATID NG RELIEF GOODS SA MGA NASALANTANG LUGAR PASADO NA SA KAMARA
PINAGTIBAY ng Kamara de Representantes sa huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 10924 o ang “Free Transportation of Relief Goods Act” na nag-aatas na gawing libre ang freight services para sa pagbiyahe ng relief goods at donasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity. Layon ng panukala na resolbahin ang pagkaipit at pagkabalam ng disaster response sa pamamagitan ng pagtiyak na mabilis na makararating ang mga relief goods sa nasalantang komunidad. “This legislation creates a vital partnership between government and the private logistics sector, requiring free…
Read MorePBBM PINASALAMATAN NG MANILA LGU AT 2,100 PAMILYANG NASUNUGAN
BUMISITA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama sina Bureau of Fire Protection (BFP) chief OIC CSUPT. Jesus Fernandez at Manila Mayor Honey Lacuna sa mga nasunugan mula sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center sa Delpan at hinatiran sila ng tulong. (PAOLO SANTOS) PINASALAMATAN ng lokal na pamahalaan ng Maynila at ng libo-libong pamilya si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. nang personal nitong bisitahin ang mga biktima ng sunog sa Isla Puting Bato sa Tondo. Walang patid na pasasalamat ang hatid nina Manila Mayor Honey…
Read More‘CHRISTMAS BY THE LAKE’ NG TAGUIG, IKATLONG TAON NA
SA ikatlong taon nito, muling binabago ng inaabangang Pasko sa Lawa ang magandang Laguna Lake bilang pinakamalaki at pinakamaliwanag na Christmas lights park sa bansa na may mga kapana-panabik na bagong atraksyon. Kabilang sa mga highlight ng taong ito ay ang nostalgic Christmas on Display na nagpapakita ng mayamang tradisyon ng Paskong Probinsyudad sa pamamagitan ng mga animated na display na nagdadala ng mga bisita sa paglalakbay sa paglipas ng mga taon. Nakadagdag sa panoorin ang Northern Lights experience, isang first-of-its kind attraction sa bansa. May inspirasyon ng kagandahan ng…
Read More