NAGPASALAMAT ang chairman ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong Miyerkoles matapos na lagdaan nito ang Trabaho Para sa Bayan Act para tuluyan na itong maging batas.
“We thank Pres. Ferdinand Marcos, Jr. for signing the Trabaho Para sa Bayan Act. This is a necessary measure that will provide more jobs to Filipinos,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, na sponsor ng panukalang batas sa Lower House.
“Through this law we hope to improve the employability of Filipino workers through various upskilling and reskilling measures amid the changing demands of the post-pandemic environment and the challenges posed by the surge of technology,” dagdag niya.
Ang mandato ng Trabaho Para sa Bayan law ay ang pagbuo ng isang national master plan upang matugunan ang unemployment, youth unemployment, underemployment, at marami pang iba.
Ang Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council ay bubuuhin din na pamumunuan ng National Economic and Development Authority, na gagawa ng nasabing masterplan matapos na isagawa ang isang komprehensibong analysis ng employment situation and labor market sa bansa.
Sinabi pa ni Nograles, ang TPB law, “recognizes that the issue of employment that one agency alone cannot solve.”
“First we need a plan dahil hindi naman pwedeng sabak na lang tayo nang sabak nang hindi tinutukoy ang problema at kung paano ito tutugunan. After creating the masterplan, we will then need greater collaboration among government, the academe, the private sector, and various other stakeholders to implement it properly and effectively,” banggit pa ng mambabatas.
Nagpahayag din ng pagtitiwala si Nograles na kapag isinagawa nang maayos, ang TPB law ay magiging instrumento sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga Pilipino.
“Millions of Filipinos stand to benefit from this law. Hindi lang ang mahigit 2 milyong unemployed at halos 6 milyon underemployed, kundi mahigit 15 milyon na informal workers na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa nakaraang pandemya, ang matutulungan ng TPB law,” dagdag pa mambabatas.
Sa pinakabagong data mula Philippine Statistics Authority, lumabas na ang Philippines’ unemployment rate ay tumaas ng hanggang 4.5 percent noong Hunyo, na nagdala ng kabuuang bilang ng walang trabaho na mga Pilipino ng hanggang 2.3 million. Samantala ang underemployment rate ay nasa 12 percent, o 5.87 million Filipinos.
(JOEL O. AMONGO)
271