Pang. Marcos Jr. kumpiyansa PARTNERSHIP NG PH-INDONESIA MAS TATATAG

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na mananatiling matatag ang relasyon ng Pilipinas at Indonesia sa mga darating na taon.

Sa idinaos na bilateral meeting kasama si President Joko Widodo, binanggit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng kanyang unang pagbisita sa Jakarta.

Aniya, malapit ang dalawang bansa sa aspeto ng “geographical location, culture, at ethnicity.”

“I think that it is going to be the strong partnerships that we will make as we slowly come out of the pandemic economy is what is going to lead us to success,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nauna rito, mainit na tinanggap ni President Jokowi at asawa nito na si Iriana Joko Widodo sina Pangulong  Marcos at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos sa Istana Bogor (Bogor Palace).

Kabilang sa mga aktibidad ng Pangulo sa kanyang state visit sa Istana Bogor ang veranda talks at tree planting kung saan nagtanim sila ng Pohon Kayu Ulin.

Kasunod nito, nilagdaan ang apat na kasunduan sa ekonomiya, kultura at tanggulan.

Ang mga kasunduan ay pinresenta kina Marcos at Widodo bago inihayag ng dalawang lider ang kanilang joint statements sa Istana Bogor

Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na napag-usapan nila ni President Jokowi ang magiging papel ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)  “while we face the difficulties in this very volatile time in geopolitics not only in our region but also in the rest of the world.”

Binanggit din ng Punong Ehekutibo na kapwa sila sumang-ayon ni President Jokowi na ang ASEAN ang tatayong lead agent sa mga pagbabago sa hinaharap na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kani-kanyang bansa. (CHRISTIAN DALE)

279

Related posts

Leave a Comment