(CHRISTIAN DALE)
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawin niyang kaaya-aya ang investments o pamumuhunan sa Pilipinas upang makapagbigay ng mas maraming hanapbuhay sa mga Pilipino.
Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pakikipagkita sa Filipino community sa Indonesia.
“Workers are abroad not because [it’s] a matter of choice, but they are away from our familiar and beautiful shores, constrained to leave loved ones due to the lack of opportunities back home,” ayon sa Pangulo.
“That’s why I, together with the Cabinet, are fully committed to making sure that every Filipino’s economic, social, and cultural potential are fully realized in our own country,” dagdag na pahayag nito.
Aniya, nais niyang ang mga Pinoy ay bibyahe lamang sa ibang bansa para sa trabaho at hindi dahil wala na silang ibang opsyon.
“Together, we’ll make the Philippines more conducive for tourism, for investment, at the same time, creating more jobs for the economy,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Sa talumpati ng Pangulo, tiniyak niya sa mga Filipino workers (OFWs) na kasama sila sa “prayoridad” ng administrasyong Marcos.
“Dahil dito asahan po ninyo na magiging fully operational na sa simula ng 2023 ang Department of Migrant Workers sa pamumuno ni Kalihim Susan “Toots” Ople na siyang mangunguna sa lahat – sa pinakabago at isa sa pinaka-importanteng departamento sa aking Gabinete, sa ating gobyerno,” ayon sa Pangulo.
Tinukoy ng Pangulo ang naging ambag ng OFWs, na tinawag niyang “ambassadors of goodwill”.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang mga Pilipino sa Indonesia dahil sa kanilang sakripisyo.
Bukod dito, binanggit din sa talumpati ng Chief Executive, ang “common cultural heritage” na ibinahagi sa pagitan ng mga Pilipino at Indonesian.
“I am very happy to see that this kinship and close people-to-people ties continue to endure, as shown by the vitality of the Filipino community here in Indonesia. Napakalaki ang respeto ng mga Indonesian sa mga Pilipino dahil sa inyo,” ayon kay Pangulong Marcos.
Binanggit din niya na malaki ang naiambag ng mataas na antas ng respeto na natamo ng mga Pilipino para mapanatili ang “trade, tourism, at people-to-people links” sa pagitan ng dalawang bansa.
