PANIBAGONG RORE MISSION ‘DI NILIGALIG NG CHINESE VESSELS

TAHIMIK at walang aberya na nakapagsagawa muli ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng routine troop Rotation and Resupply (RORE) mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, walang naitalang untoward incident sa naturang RORE mission.

Nabatid na isinagawa ang RORE nang may koordinasyon mula sa Philippine Coast Guard (PCG).

Paliwanag ni Trinidad, ang pagkumpleto sa misyon na ito ay muling nagpapatibay sa pangako ng AFP, hindi lamang sa pagsuporta sa ating mga sundalo sa WPS, kundi higit sa lahat, sa pagpapatibay ng soberanya at mga karapatan ng Pilipinas.

Ito ay hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon kundi pati na rin para sa susunod na mga henerasyon, ani Col. Trinidad.

Sinasabing panglimang RORE mission ito na naitalang walang anomang balakid o insidente ng karahasan.

“This marks the 5th consecutive troop rotation and resupply (RORE) mission at BRP Sierra Madre stationed at Ayungin Shoal without any untoward incident,” pahayag pa ni Col. Trinidad, mula Hulyo 2024.

“This milestone highlights the Armed Forces of the Philippines’ unwavering commitment to ensuring continuous logistical and operational support to our personnel, despite the challenging security environment in the West Philippine Sea,” pahayag pa ng AFP information Officer.

Sinasabing habang naglalayag ang resupply ship na ginamit ng Philippine Navy patungong BRP Sierra Madre, ay may mga na-monitor na presensya ng ilang Chinese vessels sa general area. (JESSE KABEL RUIZ)

25

Related posts

Leave a Comment