ROQUE BUTATA SA AMERIKA

roque

HINDI pinayagang makapasok sa Estados Unidos ang kontrobersyal na dating tagapagsalita ni former president Rodrigo R. Duterte na si Herminio “Harry” Lopez Roque, Jr.

Sa ibinahaging impormasyon ng Bureau of Immigration, nakatanggap sila ng ulat sa kanilang counterpart sa Japan na nagsasabing hinarang si Roque nang tangkaing bumiyahe patungong Amerika.

Ayon kay Immigration Intelligence Division chief Fortunato Manahan Jr., nasa Japan si Roque nang subukan nitong sumakay ng eroplano patungong Amerika ngunit hindi ito pinayagan.
Hindi naman daw inaresto o hinold ng Immigration sa Japan si Roque.

Ang dating kalihim ay kasalukuyang nagtatago sa ibang bansa matapos maglabas ng warrant of arrest ang Kamara dahil sa umano’y kaugnayan niya sa operasyon ng POGO.

Kaugnay ito ng ni-raid na Lucky South 99 POGO sa Porac, Pampanga noong nakalipas na taon dahilan para kasuhan siya ng qualified human trafficking. (JULIET PACOT)

31

Related posts

Leave a Comment