KINILALA ni Senator Cynthia A. Villar ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa ‘nation building’ at pinuri ang National Federation of Women’s Clubs of the Philippines (NFWCP) sa pagtulong na palakasin sila.
Sa paglipas ng maraming dekada, sinabi ni Villar na nangunguna ang NFWCP sa women empowerment para sa mas malaking papel sa pambasang kaunlaran.
“The gender and development issues in the Philippines have made remarkable decisive steps for women’s welfare with the help of the NFWCP,” giit ng senador.
Pinakamataas ang antas ng Pilpinas sa Asia Pacific pagdating sa gender at equality.
Itinatag noong February 5, 1921, pinagbuklod ng samahan ang Pilipinong kababaihan sa pamamagitan ng pagsusulong sa kanilang kapakanan, pagkakaunawaan at kooperasyon.Sa ngayon, meron silang 5,000 aktibong kasapi sa buong kapuluan.
Bukod sa pagtutulak sa karapatan ng mga kababaihan na bumoto, sinabi rin ni Villar na pinangunahan din ng NFWCP ang pagtutulak sa edukasyon ng mga matatanda at bata.
Simula 1935, nagtatayo na ang the NFWCP nursery at kindergarten sa mga paaralan. Kasama rin sila sa pagtatayo ng Girls Scouts of the Philippines.
Ipinahayag ni Villar na isinulong din ng NFWCP na mapabilang ang mga kababaihan sa pulisya at sandatahang lakas, ang pagpapabuti sa kapakanan ng bilanggong babae sa pagtatayo ng Correctional Institute for Women. Pinangungunahan din nila ang pagdiriwang ng Women’s Month.
“NFWCP shall be forever etched with the many lives that you have touched,” pagdidiin ni Villar sa kanyang pananalita 101st anniversary celebration of NFWCP kung saan siya ang guest speaker.
“At present, NFWCP works for environmental protection, education of the young through scholarships, and the extending credit to cooperatives,” dagdag pa ni Villar.
