TILA ganito ang pahiwatig ni dating Presidential spokesperson Salvador Panelo sa paghahain ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Gaya ng inaasahan, kagyat na sinimulan ng anti-forces ang impeachment process laban kay Duterte.
“Having the numbers, railroading the process is a foregone conclusion,” ani Panelo.
Gaya aniya ng paulit-ulit niyang sinasabi, ang dahilan ng hakbang na ito ay para sirain at dungisan ang reputasyon ni VP Sara at may ‘ultimate goal’ na idiskwalipika ito sa 2028 presidential elections, sa pagiging nangungunang kalaban sa pagka-pangulo.
Malinaw aniya na hindi pinapansin ng mga mambabatas ang napakatinding boses ng mga tao na kontra sa impeachment ng bise-presidente, o hindi na ginalang o binastos na ang ‘wish’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kalimutan ang pagkakahati-hati at non-productive political endeavor na hindi mapakikinabangan ng isang Pilipino.
“Their move will only galvanize the support of the Filipino people on VP Sara, and will fan the flames of disgust and rage against their willful and brazen violation of the guarantees enshrined in the Constitution,” ang sinabi pa rin ni Panelo.
Matapang na sinabi ni Panelo na “They have not learned the lessons of history. Indeed, “Whom the Gods wish to destroy, they first make mad,” aniya pa rin.
Kabilang sa mga binanggit na dahilan sa impeachment ang “kill plot” o banta ni VP Duterte laban kay Pres. Ferdinand Marcos Jr., kay Speaker Martin Romualdez at First Lady Lisa Marcos; at ang maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice Pres. at Department of Education na una nang siniyasat ng Kamara.
Tinukoy rin ang bribery dahil sa pamamahagi ng mga sobreng may laman na pera sa DepEd officials noon; at hindi maipaliwanag na yaman at bigong pagdedeklara ng mga ari-arian at interes sa SALN mula noong bise alkalde siya ng Davao City. (CHRISTIAN DALE)
