PRESYO NG LANGIS POSIBLENG BUMABA PA

ANG pagbaba ng presyo ng langis sa world market ay isang ‘welcome news’ sa mga mamimili.

Inaasahan na mata-translate ito sa mas pagbaba ng fuel costs at sa kalaunan ay mabawasan ang presyur sa inflation.

Sa isang news forum sa Quezon City, sinabi ni Rizal Commercial and Banking Corp. (RCBC) chief economist Michael Ricafort na ang presyo ng langis ay nakapagtala ng mahalagang pagbaba sa nakalipas na dalawang araw, bumaba ng US$82 hanggang US$83 kada bariles mula sa US$95 nito lamang Setyembre 28.

“At least that’s isa sa mga problema na pwedeng mababawasan dahil magkakaroon ng mga rollback ‘no. Kaya…at least iyong pressure sa inflation medyo mababawasan din po,” ayon kay Ricafort.
Winika pa ni Ricafort na ang mahalagang rollbacks sa fuel prices ay inaasahan sa mga darating na araw.

“Iyon po ‘yung magandang balita, medyo expect po natin malaki-laking mga rollback po iyan as early as this weekend pati po sa mga darating na araw lalo na kung ma-sustain po ito,” ani Ricafort.

(CHRISTIAN DALE)

298

Related posts

Leave a Comment