1 PATAY, 4 SUGATAN SA TAMA NG KIDLAT

ILOCOS NORTE – Patay ang isang lalaki habang apat ang bahagyang nasugatan nang tamaan ng kidlat ang sinisilungang kubo sa Barangay Nagpatpatan sa bayan ng Solsona sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ng Solsona police ang biktimang namatay na si Gilbert Valera, residente ng Barangay Catangraran.

Batay sa report, galing sa isang handaan ang lima nang sumilong sa kubo na dating fruit stand sa gilid ng highway dahil sa pag-ulan.

Habang naghihintay ng pagtila ng ulan, nag-inuman pa ang lima nang biglang kumulog at gumuhit ang matalim na kidlat at tumama sa kubo.

Napuruhan si Valera habang bahagyang nasapol din ng boltahe ng kidlat ang apat.

Mabilis na isinugod sa Rural Health Unit (RHU) ang lima pero binawian ng buhay si Valera.

(NILOU DEL CARMEN)

83

Related posts

Leave a Comment