2 MAPAGKALINGA CENTER ITATAYO NG PCSO SA MINDANAO

pcso12

(NI NICK ECHEVARRIA)

MAGTATAYO ng dalawang Mapagkalinga Center ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Tagum City at Davao City bilang solusyon sa kaawa-awang kalagayan ng mga pasyente  sa mga government hospitals.

Layunin ng hakbang na wakasan ang paghihirap ng mga pasyente at mga bantay nito na natutulog sa mga upuan at sahig gamit ang mga sapin na karton at ang problema maging sa paliguan.

Ayon kay PCSO chairman at acting General Manager Anselmo Simeon Pinili, malaking tulong ito sa 650 mga walk-in na pasyente na araw-araw na nagtutungo sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang pinakamalaking government hospital sa bansa at 400 naman sa Davao Regional Medical Center (DRMC) na nagmula pa sa ib a’t ibang lalawigan ng Mindanao.

Ayon sa ulat, tatlong araw ang kailangang gugulin ng isang tipikal na pasyente sa hospital para lamang sa kanilang mga check-up at follow up, samantalang higit pa rito ang kailangan ng mga nagpapa-chemotherapy at iba pang mga may malulubhang sakit na hindi komportable sa mga pasyente.

Matatandaan na noong Mayor pa ng Davao City si Pangulong  Rodrigo Duterte ay nagpatayo ito ng  “Balay Pahulayan” para magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga naghihintay na pasyente at mga bantay nito, subalit hindi na ito makasapat sa  ngayon sa bilang ng mga pasyente ng dalawang pangunahing hospital na halos tatlong beses nang mas marami kaysa noon.

Ipinaliwanag naman ni Atty. Gay  Alvor , Chairperson ng PCSO-Gender and Development Focal Point System(GAD-FPS) na sa Mindanao napiling ilunsad ang  Mapagkalinga Center Project dahil ang rehiyon ang may pinakamaliit na nakukuhang hospitalization assistance mula sa ahensiya.

Napagkasunduan umano na gawing pilot beneficiaries ang SPMC at DMRC dahil sa kanilang strategic role bilang pangunahing government tertiary hospital sa Mindanao na nagpahayag naman nang kahandaan na maglaan ng lupang pagtatayuan ng PCSO Mapagkalinga Center.

Walong palapag na multi-purpose Mpagkalinga Center ang itatayo para sa SPMC habang limang palapag naman sa DRMC na nagkakahala ng P268M.

Sakaling aprubahan ng Pangulong Duerte, agad na sisimulan ng PCSO ang pagpapatayo sa nabanggit na mga gusali pagkatapos ng election ban at tatapusin sa loob ng isang taon.

 

 

146

Related posts

Leave a Comment