RELASYON NG DU30 ADMIN SA CHINA PINAREREBYU

pagasa island

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINAREREBYU ng opposition congressman sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ipinatutupad na relasyon sa China sa gitna ng banta ng nasabing bansa sa Pag-asa Island.

Bukod dito, sinabi ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin na dapat nang palayasin ni Duterte ang mga Chinese vessel na nakapaligid sa Pag-asa Island na isang munisipalidad ng lalawigan ng Palawan.

“Call for the immediate exit of the Chinese vessels from Philippine waters, and review our foreign relations policy with China,” ani Villarin dahil hindi umano gawain ng isang kaibigan ang ginagawa ng China sa West Philippine Sea.

Nagbabala si Duterte na magpapadala ito ng mga sundalo para sa isang suicide mission sa Pag-asa Island kapag ginalaw ng China ang Pag-asa Island.

Subalit ayon kay Villarin, ngayon pa lamang ay dapat simulan ito ni Duterte sa pamamagitan ng pagpapalayas sa mga Chinese vessels sa paligid ng nasabing isla dahil nilalabag ng nasabing bansa ang karapatan ng Pilipinas habang nakikipagkaibigan si Duterte sa kanila.

Mahalagang marebyu umano ni Duterte ang pakikipagrelasyon nito sa China dahil mistulang sinamantala umano ito ng nasabing bansa para isulong ang kanilang mga ilegal na aktibidad sa West Philippine Sea.

Bukod kasi umano sa pinapalayas ng mga Chinese na ilegal na umoukapa sa West Philippine Sea ang mga mangingisdang Filipino ay nagiging bansa na ang mga ito sa seguridad ng Pag-asa island kung sana, bukod sa mga sibilyan na nakatira dito ay may mga nakadeploy na sundalo.

 

120

Related posts

Leave a Comment