26 BAHAY WINASAK NG MUDSLIDE SA SURIGAO DEL NORTE

SURIGAO DEL NORTE – Umabot sa 26 kabahayan ang winasak ng mudslide na tumama sa Barangay Siana sa bayan ng Mainit sa lalawigan noong Sabado.

Ayon sa report ng Office of Civil Defense CARAGA, nangyari ang mudslide dahil sa pagguho ng tailing storage facility (TSF) ng mining company na Greenstone Resources Company, dahil sa sunod-sunod na malalakas na pag-ulan.

Nagdulot din ito ng pagkabitak-bitak ng lupa, pagkasira ng mga kalsada at pagkatumba ng mga puno.

Sa video na kuha ng mga residente, makikitang gumapang ang putik patungo sa mga kabahayan sa Purok Riverside ng Brgy. Siana na nagdulot ng pagkatakot sa mga residente.

Sa assessment ng OCD Caraga, 26 bahay ang tuluyang nawasak.

Ayon naman sa lokal na pamahalaan ng Mainit, mahigit 200 pamilya ang pansamantalang inilikas sa apat na evacuation centers.

Walang iniulat na nasawi sa insidente, ayon sa mga awtoridad.

(NILOU DEL CARMEN)

27

Related posts

Leave a Comment