4 BANGKAY NATAGPUAN SA DAVAO DE ORO

DAVAO DE ORO – Apat na bangkay ang natuklasan sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan noong Lunes.

Ayon sa mga awtoridad, tatlo sa mga ito ay may mga tama ng bala ng baril.

Nabatid sa report ng Davao de Oro PPO, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan sa damuhang bahagi sa Purok 1, Bitoon, Barangay Tagdangua, sa bayan ng Pantukan, ang bangkay ng isang lalaki.

Nakahandusay ang lalaking biktima na kinilalang si Rey Quidato, 44-anyos.

Ayon sa Pantukan Municipal Police, may tama ito bala ng baril. Kinahapunan, isang hindi pa kilalang duguang bangkay ang nakita rin sa kaparehong barangay.

Sa karatig na bayan ng Maco, dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa damuhan sa Barangay Panibasan bandang alas-9 ng umaga.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Joseph Cosal, 40, chainsaw operator, at Aldrin Dagsangan, 37, isang minero. May mga tama rin ng bala ng baril ang dalawang biktima. (NILOU DEL CARMEN)

22

Related posts

Leave a Comment