262 RESIDENTS BINIGYAN NG LUPA SA CAINTA

RIZAL – Umaabot sa 262 residente ang nabiyayaan ng lupa sa programa ng pamahalaang lokal ng Cainta.

Sa pamamagitan ng Katibayan ng Pagtatalaga at technical description na ipinagkaloob ng tanggapan ni Cainta Mayor Kit Nieto, 72 residente ang benepisyaryo sa bahagi ng 3.5 Sitio Dilain Valley Golf sa Brgy. San Juan.

May 190 certificate naman ang ibinigay para sa Upper Kuatro sa Brgy. San Juan pa rin.

Isa sa mga benepisyaryo si Ginang Delfina Longatan na halos 30 taon na umanong naninirahan sa Cainta ngunit hindi nila pag-aari ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay.

Bunsod nito, labis ang pasasalamat ni Longatan kay Mayor Nieto dahil hindi na sila mag-aalala na biglaan silang paalisin sa kanilang tirahan.

Hindi rin umano inakala ng mga residente na iaanunsyo ni Mayor Nieto na mapapasa-kanila na ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay.

Ayon kay Mayor Nieto, babayaran ng mga residente sa murang halaga ang kanilang lupa.

Kasabay nito, nakiusap ang alkalde na huwag nang dagdagan ng mga residente ang bahay sa harapan ng kanilang lugar upang hindi sumikip o maging makitid ang daanan.
Nabatid na bumili ang local government ng Cainta ng lupa sa Valley Golf area upang maiwasan ang paninita at paghihigpit ng mga security guard sa dumaraang mga residente ng Upper Kuatro at 3.5 Sitio Dilain. (KNOTS ALFORTE)

157

Related posts

Leave a Comment