GUNMAN NI REP. BATOCABE  SUMUKO

henry

SUMUKO na ang sinasabing ‘main gunman’ na umano’y kumalabit ng gatilyo at bumaril kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe kagabi at nananatili ngayon sa kustodiya ng pulisya.

Ang suspect na si Henry Yuson, 38, ng Barangay Tula-tula Granda, Ligao, ay dati umanong miyembro ng New People’s Army (NPA) at dating empleyado ng umano’y utak na si Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Kinumpirma ni P/Supt. Dennis Balla, hepe ng Daraga Municipal Police sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kabilang ito sa link diagram na isinapubliko ni PNP Chief Oscar Albayalde kahapon.

Si Yuson ay may kasong rape at walang piyansa na ibinaba sa sala ni Hon. Judge Ignacio C. Barcillano Jr. noong Oktubre 20,2015.

Sumuko si Yuson sa 903rd Infantry Brigade ng Philippine Army na nakabase sa Brgy. San Rafael, Castilla, Sorsogon na agad namang ipinagbigay-alam ni B/Gen. Greg Almerol sa PNP.

Alas-11:00 kagabi nang isilbi ang warrant of arrest kay Yuson at ganap ng arestuhin ng Daraga PNP ang suspek.

Sinabi ni Albayalde na si Yuson ay dating kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) at “main gunman” na kumalabit ng gatilyo ng caliber .40 pistol na nakapaslang kay Batocabe.

Samantala, pormal na ring sinampahan ng kasong double murder at multiple frustrated homicide ang anim na suspek at ang itinututong utak ng krimen na si incumbent Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

21

Related posts

Leave a Comment