EX-MAYOR, KAPATID, PATAY SA RAID

mindanao

PATAY ang dating mayor ng Maguindanao at kapatid nito nang magsagawa ng search warrant operation ang pulisya kaninang hatinggabi sa Cotabato City.

Namatay sa mga tama ng bala sina Talib Abo, dating mayor ng Parang, Maguindanap at kapatid na si Bobby.

Sinabi sa report na ni-raid ng PNP 12 Regional Mobile Force, PNP-Special Action Force, Army Special Forces Battalion, PDEA-12, ang apat na bahay ng mga Abo.

Nanlaban umano sina Abo kaya napilitan ang raiding team na magpaputok.

Naisugod pa ang magkapatid sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit binawian din ng buhay.

Na-recover sa tahanan ng pamilya ang mga matataas na uri ng armas at shabu.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa madugong search warrant operation sa kasong may kinalaman sa droga at pagkakaroon ng mga armas.

11

Related posts

Leave a Comment