40 PASAWAY SA QUARANTINE SA CAVITE, DINAMPOT

CAVITE – ‘Feeling’ normal na ang sitwasyon, ngunit ipinakita ng mga alagad ng batas na nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang probinsiya matapos pagdadamputin ang tinatayang 40 kataong mga pasaway.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), 30 katao ang dinampot sa pagitan ng alas-3:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi noong Martes dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa Rosario, Cavite

Sa Bacoor City, apat katao ang hinuli dakong alas-4:00 ng madaling araw nitong Miyerkoles dahil sa paglabag sa curfew bukod pa sa hindi pagsusuot ng facemask.

Hindi rin nakaligtas ang anim na katao nang damputin sila ng mga operatiba ng Naic Municipal Police Station dakong alas-3:00 ng hapon noong Martes sa Naic dahil sa hindi pagsusuot ng facemask.

Ang mga inaresto ay binalaan, pinangaralan at pinanood ng video presentation hinggil sa batas ng community quarantine at isasailalim sa community service.

Ang probinsiya ng Cavite ay nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) hanggang Pebrero 28. (SIGFRED ADSUARA)

69

Related posts

Leave a Comment