DRUG PERSONALITY TINODAS SA VAN

QUEZON – Isang lalaking nasa drug watchlist ng PNP, ang natagpuang patay at may tama ng bala sa ulo sa loob ng isang nakahintong van sa gilid ng highway sa bayan ng Real sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Darwin Gucilatar, 37, residente ng Barangay Poblacion 61, sa bayan ng Real.

Batay sa report ng Real Police, natagpuan ang bangkay ng biktima na may dalawang tama ng bala sa ulo, sa loob ng Toyota Hi Ace van na nakatigil sa gilid ng national road sa Barangay llavac, Real.

Nakapiring ito ng panyo at may nakataling cable wire sa leeg.

Natagpuan sa crime scene ang isang basyo ng 9mm at isang basyo ng .45 kalibreng baril.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay kabilang sa drug watch list at dati nang naaresto sa kasong illegal drugs noong Agosto 30, 2019.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam kung may kaugnayan sa kaso nito ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin. (NILOU DEL CARMEN)

81

Related posts

Leave a Comment