5 KALABOSO SA SHABU

KALABOSO sa Manila Police District-Raxabago Police Station 1 ang limang indibidwal makaraang madakip sa ipinatupad na anti-illegal drug operation sa Aroma Compound malapit sa Building 16, Temporary Housing, Barangay 105, Tondo, Manila noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros Jr., ang mga suspek na sina alyas Ian, Mark, Argie, Jessie at Melvin, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Base sa ulat na isinumite ni Police Major Geo Colibao, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), bandang alas-6:40 ng gabi nang ikasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 7 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P47,600 ang street value.

Ang mga suspek ay pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

(RENE CRISOSTOMO)

133

Related posts

Leave a Comment