61 NA PATAY KAY ‘USMAN’

camsur

camsur1UMAABOT na sa 61 ang bilang ng mga bangkay na nabawi sa iniwang lupit ng bagyong ‘Usman’, ayon sa regional Office of Civil Defense sa Bicol Region.

Karamihan sa mga biktima ay mula sa Camarines Sur kung saan 23 ang kumpirmadong nasawi, ayon sa OCD report.

Pinakamaraming patay sa landslide ang naitalaga sa Tiwi, Albay na mayroong 12 biktima mula sa Maynonong, Sugod, Gajo at Bariis. Sinabi ng Disaster Risk Reduction and Management Council na posibleng binalewala ng mga residente ang babala ni ‘Usman’ matapos itong ideklarang low-pressure area na lamang at nagsibalikan na sa kanilang mga bahay.

Idineklara na rin sa ilalim ng state of calamity ang Sorsogon ilang oras matapos ideklara ang Albay at Camarines Sur dahil sa dami ng pinsalang umaabot sa P242 milyon base sa pagtatala hanggang kahapon. Nauna na ring isinailalim sa state of calamity ang Bulan, Magallanes at Matnog.

337

Related posts

Leave a Comment