6 TULAY SA ISABELA ‘DI PA RIN MADAANAN

alicaocao

HINDI pa rin madaanan ang anim na tulay sa lalawigan ng Isabela.

Ayon sa abiso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Isabela, ang mga apektadong tulay ay ang Sto. Tomas Bridge sa Cansan, Sta Maria Bridge, Alicaocao Bridge sa Cauayan at Annafunan Bridge sa Echague.

Nasira naman ang Baculud Bridge sa Cauayan City at Turod Banquero Bridge sa Reina Mercedes kaya hindi pa rin madaanan.

Ang iba pang mga tulay sa mga bayan sa Isabela ay passable na sa lahat ng uri ng sasakyan.

16

Related posts

Leave a Comment