PINAIKLING ORAS NG LRT-2

lrt2

INIHAYAG ng Light Rail Transit line 2 (LRT-2) ang pag-ikli ng kanilang biyahe sa December 24 at December 31 dahil sa inaasahang kaunting mananakay.

Sa kanilang advisory, ang LRT-2 ay magkakaroon ng last trip mula Santolan station ng alas-8 ng gabi sa halip na alas-10 ng gabi sa December 24. Ang huling train naman mula Recto station ay aalis ng alas-8.30 ng gabi sa halip na alas-10.30 ng gabi.

Samantala, sa December 31, ang mga train mula Santolan station ay aalis ng istasyon ng alas-7 ng gabi mula sa regular schedule na alas-10 ng gabi.

Ang huling train mula Recto ay mag-a-adjust ng tatlong oras dahil aalis ito ng station ng alas-7:30 ng gabi mula sa regular schedule na alas-10:30 ng gabi.

Nauna nang naglabas ng announcement ang LRT-1 para sa holiday season mula December 24 hanggang January 2, 2019.

Ang Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) ay nag-adjust din ng operating house para sa holiday ngunit imbes na magbawas ng biyahe ay nagdagdag ito ng train trips dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero. JDA

 

6

Related posts

Leave a Comment