ANAK IBINUGAW, GINANG ARESTADO

RIZAL – Arestado ng mga awtoridad ang isang babae na umano’y ibinugaw ang kanyang mismong anak sa lalawigan.

Ayon sa Rizal Police Provincial Office, dakong alas-9:00 ng gabi noong Miyerkoles nang matimbog ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit (PIU) at iba pang Enforcement Unit ng Rizal PNP, ang 51-anyos na suspek na si alyas “Dina”, sa operasyon sa Brgy. San Juan, Taytay.

Inaresto ito sa bisa ng tatlong warrant of arrest para sa kasong qualified trafficking na walang inirekomendang piyansa.

Nabatid sa ulat, kabilang sa naging mga biktima ng suspek ay ang kanyang mismong menor de edad na anak na ibinubugaw umano nito sa prostitution, pornography at sexual exploitation.

Nakakulong na ang suspek sa Taytay Police Station custodial facility.

(NILOU DEL CARMEN)

42

Related posts

Leave a Comment