BATOCABE ‘BUSINESS AS USUAL’ SA PAGLAYA NI BALDO

baldo161

GAYONG pansamantalang nakalalaya si Daraga Mayor Carlwyn Baldo, umano’y suspect sa pagpaslang kay AKO Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe, ‘business as usual’ pa din ang pamilya nito ngunit patuloy na nag-iingat.

Aminado ang pamilya Batocabe na nakararamdam sila ng takot sa paglaya ni Baldo ngunit kalmado sa seguridad na ibinibigay ng gobyerno sa kanila.

Si Baldo ay pinayagang makapagpiyansa sa mga kasong illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of explosives.

Sa panayam, nanindigan si Atty. Justin, anak ni Batocabe, na hindi mahahadlangan ang mga dapat pang gawin lalo na’t nasa campaign period na ang labanan.

89

Related posts

Leave a Comment