BILANG NG BIKTIMA NI ‘USMAN’ TUMATAAS

tiwi

tiwi1SINABI ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga casualty sa lalawigan kung saan umabot na sa 30 base sa pinakahuling report, ayon kay OCD Bicol Director Claudio Yucot. Ang 16 na unang iniulat ay nadagdagan pa ng apat mula sa Sorsogon, dalawa sa Camsur, pito sa Masbate, lima sa Baao, isa sa Garchitorena at isa sa Basud.

Nadagdagan ang namatay sa Albay na umakyat na sa walo matapos marekober ang tatlong bangkay sa gumuhong lupa sa Barangay Sugod, Tiwi.

Umaabot naman sa 11 residente ang nawawala pa. Sa inisyal na report, mahigit sa P251 milyon ang pinsalang iniwan ni ‘Usman’ sa Bicol samantalang mahigit bilyon naman sa agrikultura. Pinag-uusapan pa din kung isasailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Albay.

355

Related posts

Leave a Comment