BOLANG INANOD SA ILOG SINUNDAN, LALAKI NALUNOD

CAVITE – Nalunod ang isang lalaki nang sundan nito ang bola na kanyang nilalaro nang anurin ng malakas na agos sa isang ilog sa Imus City noong Martes ng gabi.

Isinugod sa Ospital ng Imus ang biktimang si alyas “Kim” subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa ulat, nagkayayaan ang tropa ng biktima at ilang mga kaibigan na maligo sa Imus River sa Brgy. Tanzang Luma 2, Imus City, bandang alas-12:05 ng hapon.

Kasabay ng kanilang paliligo ay naglaro ng bola ang mga ito hanggang anurin ito ng malakas na agos kaya sinundan ng biktima.

Subalit hindi nito akalain na napunta ito sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa nakita na lamang na humihingi ng saklolo ang biktima.

Humingi naman ng responde ang mga kaibigan ng biktima at iniahon saka isinugod sa ospital subalit hindi umabot nang buhay. (SIGFRED ADSUARA)

39

Related posts

Leave a Comment