BORACAY BUMUBUTI; KASAL BAWAL PA RIN

boracay

(Ni FRANCIS ATALIA)

BUMUBUTI na ang lagay ng karagatan sa Boracay matapos na bumaba ang coliform level sa silangang bahagi nito kung saan marami ang nagka-kiteboarding at windsurfing, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, pinag-aaralan nila kung isasapubliko na ang Bulabog Beach subalit patuloy pa ring ipagbabawal ang kasal at iba pang kauri nito sa isla.

Makakakuha naman ng mga larawan sa beach pero hindi pinapayagan ang pagsusuot ng sapatos.

Isa rin sa pinag-iisipan ng DENR ang pagkakaroon ng general manager na siyang mangangasiwa sa tourism operations sa isla.

Matatandaang pansamantalang isinara ang Boracay ng anim na buwan upang bigyang daan ang rehabilitasyon nito dahil sa mataas na coliform sa karagatan.

173

Related posts

Leave a Comment