BOTO KAY RODEL, BOTO NI GERTIE SA ALBAY

BATO

(NI CARL REFORSADO)

ANG biyuda ng pinaslang na si Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe ang hahahlili sa kanyang kandidatura para ituloy ang laban sa pagka-alkalde ng bayan ng Daraga, Albay sa darating na mid-term election.

Ayon kay Dennis Batocabe, administrator ng Ako Bicol Partylist at panganay sa magkakapatid na Batocabe, si Gertudes “Gertie” Batocabe ang napagkasunduan ng pamilya na pumalit sa napaslang na si Cong. Rodel Batocabe bilang kandidato sa mayoralty post sa May 2019 national and local election.

Ayon pa kay Dennis, si Gertie ang kanilang napisil na humalili sa napaslang na kongresista at asawa dahil parehas ang takbong ng kanilang adhikain at adbokasiya. Samantala, plano naman ng pamilya na pormal na idiklara ang kanididatura nito sa Enero 30 kasabay sa ika-40 araw ng kamatayan ng asawang mambabatas.

Matatandaang pinatay si Cong. Batocabe noong Disyembre 22 ng hapon habang pasakay na ito ng kotse mula sa isinagawang gift giving sa mga senior citizen at person with disability sa Daraga covered court sa Barangay Burgos kung saan napatay din ang police aide nitong si SPO2 Orlando Diaz at ikinasugat ng pitong senior citizen.

Paliwanag pa ni Dennis Batocabe na hindi makakaapekto sa kandidatura ni Gertie ang proseso ng pagpapalit nito sa namayapang mambabatas dahil bilang kapalit ni Cong. Batocabe ay nangangahulugang “isang boto para kay Rodel ay magiging boto para kay Gertie.

Ibig sabihin, ang sinumang bumoto sa pangalan ni Rodel ay mabibilang para kay Gertie. Samantala, makikipag-ugnayan naman ang pamilya Batocabe sa Commission on Elections (Comelec) para sa karagdagang patnubay kung anong mga patakaran at mga hakbangin sa halalan ang susundin sa ilalim ng mga panibagong pangyayari.

Makakalaban ni Gertie sa nasabing posisyon sina incumbent Daraga Mayor Carlwyn Baldo, na itinuturong mastermind sa pagpaslang sa kongresista at incumbent Vice Mayor Victor Perete.

Una na ring isinailalim ng Commission on Elections (Comelec) ang bayan ng Daraga sa “Comelec control” dahil sa umano’y intense political rivalry na nagdulot ng pag-usbong ng karahasan.

 

 

193

Related posts

Leave a Comment