DATING MATAAS NA LIDER NG NPA SUMUKO

QUEZON – Sumuko sa mga awtoridad ang isang dating pinuno ng mga rebeldeng New People’s Army sa lalawigang ito.

Ayon sa report ng Quezon Provincial Police Office (QPPO), sumuko sa headquarters ng Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC) sa Camp Soledad L. Dolor, Brgy. Bukal Sur, Candelaria, Quezon ang ex-rebel na si Domingo Mercado alyas Rodney.

Si Mercado ay dating platoon leader ng grupong Apolonio Mendoza Command ng CPP-NPA na nakabase sa Quezon at Laguna.

Naengganyong sumuko ang rebelde matapos na mabigo itong makakuha ng pinansyal na suporta mula sa Underground Mass Organization Communist Terrorist Group (UGMO CTG) para sa kanyang medical operation. (NILOU DEL CARMEN)

21

Related posts

Leave a Comment