NAKAHINGA na nang maluwag ang pamilya ng sinasabing may MERS-CoV matapos makumpirmang negatibo ito sa sakit nang mailabas ang pagsusuri, ayon sa Department of Health (DoH).
Isinugod sa isang pribadong ospital sa Laguna ang pasyente na galing sa Saudi Arabia matapos magkasakit na nagpakita ng sintomas ng Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV). Sinabi ni Glen Ramon, spokesperson ng DoH sa Calabarzon, na negatibo ang resulta ng pagsusuri base sa RITM.
Nauna nang dinala sa Laguna Doctors Hospital sa Sta. Cruz, Laguna ang biktima dahilan para agarang linisin at i-disinfect ang emergency room at ilang bahagi ng ospital na pinaglagihan ng may sakit.
145