DTI NAKAMONITOR SA PAGTAAS NG BILIHIN

bagyo

WALANG inaasahang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lalawigan na sinalanta ng bagyong ‘Usman’, partikular sa Eastern at Visayas, at Bicol Region, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na agad silang nagpadala na sila ng mga tauhan sa mga apektadong lugar upang mabatid kung may mga negosyanteng nananamantala pa ng mga nabiktima ng kalamidad. Nagbabala rin ang ahensiya sa mga mahuhuling nagtaas ng bilihin.

Sinabi rin ni Lopez na walang dahilan para mag-panic ang mga mamimili dahil sapat pa rin umano ang mga bilihin. Tutulong din umano ang ahensiya sa mga pagkukulang o kawalan ng mga pangunahing bilihin sa pamamagitan ng Diskwento Caravan kung saan murang mabibili ang mga pagkain.

Nakaumang na din umano ang mga livelihood para sa mga biktima ng kalamidad. Ito umano ang kanilang ayuda upang makabangon sa pinsala ng bagyo.

218

Related posts

Leave a Comment