DUTERTE NO SHOW SA RIZAL CELEB SA DAVAO

sara1000

HINDI dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-122 commemoration ng martyrdom ni Dr. Jose Rizal sa Davao City.

Sa halip, ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kumatawan sa Pangulo sa flag-raising at wreath-laying ceremony, Linggo ng hapon.

Sinabi na nagpapahinga ang Pangulo kaya hindi nakadalo sa okasyon.

“Maging oportunidad sana ito na kilalanin si Rizal sa paghubog ng ating kasaysayan bilang isang bansa. Magkakasama nating isapuso ang pagiging makabayan sa lahat ng adhikain habang iniaangat ang lipunan para sa nakararaming Pilipino,” sabi ni Duterte.

Sa inihandang speech na binasa ni Mayor Duterte, sinabi ng Pangulo na kinikilala niya ang gawain ng National Historical Commission of the Philippines at mga partner nito sa matagumpay na pag-oorganisa ng Rizal Day.

“Hinihimok ko ang lahat na ialay ang inyong kakayahan at talento para mahalin at maglingkod sa bayan tulad ng ginawa ni Rizal mahigit daang taon na ang nakararaan,” ayon pa sa Pangulo.

19

Related posts

Leave a Comment